Chapter 12

78.9K 3.8K 3.8K
                                    

[Chapter 12] Featured Song: "Abot Kamay" by  Elli, Mia and Angel

Maaga pa lang ay handang-handa na ang lahat. Naunang nag-perform ng Sabayang Pagbigkas ang mga freshman. Maikling dula naman ang ginawa ng mga Sophomore. Pag-awit naman sa mga third year highschool. At Folk dance naman sa aming mga Fourth year.

Nagkakagulo sa loob ng classroom. Kaniya-kaniya kaming pag-asikaso sa paglalagay ng make-up at accessories sa buhok at katawan namin. Nakaupo ako ngayon sa upuan habang nilalagyan ng make-up ni Gwen. Tinatali naman ni Jessica ng maayos ang buhok ko.

Hindi rin maawat ang mga gumawa ng props sa pagbuo ng mga nalaglag na design dahil konting galaw lang ay parang makakalas na ang mga ito. "Ang laki ng ulo mo Aries" reklamo ni Jessica habang tinatalian ang buhok ko. Napakunot na lang ang noo ko sabay lingon sa kaniya.

"Kung untugin ko kaya 'tong ulo ko sayo" bawi ko, bigla naman siyang ngumiti sabay yakap sa'kin mula sa likod. "Ito naman, ang ibig kong sabihin... Sa laki ng ulo mo sobrang kinaganda mo 'yan" bola niya, natawa naman si Gwen dahilan para lumagpas 'yung pang-kilay na nilalagay niya sa akin. .

"Bakit ba ang init ng ulo mo ngayon? Magiging alipin na tagapayong ka lang naman ni Chelsea" bulong ni Jessica na may halong pang-aasar. Napapikit na lang ako ng mata sabay hawak sa noo. Sumasakit na ang ulo ko sa mga nangyayari. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa sinabi ni Leo.

"Aries, kung magkaka-boyfriend ka, mas okay kung pwede ko siyang suntukin kapag pinaiyak ka kaniya. 'Yung pwede ko siyang murahin at sabihan ng masasakit na salita. 'Yung masasabi ko sayo na wala siyang kwentang tao kaya kalimutan mo na siya. Pero kung sasaluhin mo si Adrian... Sisimulan ko nang humakbang paatras" wika niya, at sa pagkakataong iyon, sandaling tumigil ang takbo ng mundo ko at ang pintig ng puso ko.

Tuluyan akong hindi nakapagsalita. Nakatingin lang ako ng derecho sa kaniya, umaasa na sundan pa iyon ng mga gusto niyang sabihin. Mga salitang mas malinaw, mas maiintindihan ng puso't isipan ko. "Oh, Aries? Gabi na. May pasok pa kayo bukas" nagulat kami nang magsalita si lolo Gil habang pababa ito ng hagdan.

Agad tumayo si Leo para alalayan ang lolo niya sa hagdan. "Lo, saan ka pupunta?" ngumiti lang si Lolo Gil sabay tapik sa balikat ng apo. "Magbabasa muna ako ng bibliya, hindi ako makatulog"

Tumayo na ako pero hindi pa rin maawat ang pagtibok ng puso ko. Alam kong may sasabihin pa siya, at gusto kong marinig at malaman kung ano iyon. "Nakalimutan ko palang uminom ng gamot, pakikuha sa taas ng TV" patuloy ni lolo Gil. Agad namang naglakad si Leo papunta sa lagayan ng TV nila, pinaupo niya muna si lolo Gil sa silya nito saka siya nagtungo sa kusina para kumuha ng tubig.

Nagkatinginan kami ni lolo Gil, "Ah, uuwi na po ako. Salamat po sa camera" paalam ko saka naglakad na papalabas. Gustuhin ko mang manatili roon pero bigla akong nakaramdam ng takot na baka mabasa ni lolo Gil sa mga mata ko na may gusto ako sa apo niya.

Paglabas ko ng bahay nila, parang bigla akong nakahinga ng maluwag. Napahawak na lang ako sa tapat ng puso ko habang naglalakad pauwi. Ilang hakbang lang din ang layo ng bahay ko sa kanila kaya wala pang isang minuto ay narating ko na ang bahay.

Bubuksan ko na sana ang maliit na gate namin nang biglang may nagsalita mula sa likuran ko. "Aries" gulat akong napalingon sa likod, at hindi nga ako nagkamali dahil si Adrian nga iyon. Nakatayo siya sa likod ko, nakasuot siya ng blue tshirt at black shorts.

May kulay dilaw na street light sa tabi ng bahay namin na nakadikit sa poste kaya halos kulay dilaw din ang repleksyon ng mukha niya dahil sa ilaw. "B-bakit? Anong ginagawa mo dito?" hindi ko alam kung bakit ako nautal ng ganon, siguro dahil sa pagkabigla. Para siyang holdaper dahil sa biglang pagsulpot niya.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon