Chapter 10

77.7K 4K 4.4K
                                        

[Chapter 10] Featured Song: "My First Your Last" by Elli and Angel

"Alam mo parang may crush sayo 'yung sa section three na mahilig sa robot"

"Baliw. Hilig niya lang talaga magkwento sa'kin ng mga ginagawa niya. Active din kasi siya sa science club"

"Pusta ko, kaya lang sumama 'yon doon kasi nandoon ka"

"Tumigil ka na nga Gwen, kung anu-anong nasa isip mo diyan" saad ni Jessica sabay subo ng tatlong tokneneng. Uwian na, nakatayo kami ngayon sa tapat ni manong na nagtitinda ng fishball, kikiam at tokneneng.

Patuloy din ang paglabas ng mga estudyante sa gate at siyang pagdating ng kani-kanilang mga sundo. Ang iba naman ay nagsimula nang maglakad pauwi, habang ang iba na tulad namin ay kumakain muna sa mga sari-saring paninda sa labas ng school.

"Paano mo naman nasabi na may gusto si MJ kay Jessica?" tanong ko kay Gwen, napatingin pa sa amin si manong kasi nag-uusap kaming tatlo habang puno ang mga bibig namin pero kahit ganoon ay nagkakaintindihan pa rin kami.

Si MJ mahilig sa robot. Kaklase siya nina Leo, Gian at Adrian, Matangkad pero payat ito, may makapal na salamin sa mata at brace sa ngipin.

Ininom muna ni Gwen ang gulaman drink na binili niya saka humarap sa'kin. Nasa gitna nila akong dalawa. "Hindi ba 'ganon ang kilos ng mga lalaki kapag may gusto sila sa babae? Palagi nilang kinukulit, inaasar, kinakausap at kung anu-anong pagpapansin" tugon niya, napatulala na lang ako sa kumukulong mantika na pinaglulutuan ng mga fishball, kulay brown na ito pero masarap pa rin ang mga tinda niya.

Hindi ko alam pero ang unang pumasok sa isip ko sa sinabing iyon ni Jessica ay si Adrian. Dahilan para maalala ko na naman ang nangyari kahapon nang makuha ko sa mga libro niya ang pink letter ni Falling Star.

"I-ikaw ba ang nagsusulat sa'kin?" derecho kong tanong sa kaniya, bigla niyang nabitawan ang bolang hawak niya, bakas sa reaksyon ng mukha niya na hindi niya inaasahang mabubuking ko siya ng ganoon.

Tanging ang tuloy-tuloy na paggulong ng bola pababa sa hagdan ang umalingangaw sa paligid habang nakatingin ako ng derecho sa mga mata niya at gulat naman siyang nakatingin sa akin. Ilang sandali pa, napansin namin na biglang tumigil ang pagbagsak ng bola at nang lumingon kami sa ibaba ay naroon si Leo na seryosong nakatingin din sa amin.

Biglang nagsalita si Adrian at dali-daling tumakbo papunta kay Leo bitbit ang mga librong hawak niya "Bro, uwi na ba tayo? Tara na!" aya niya sabay akbay kay Leo. Hawak ko pa ang ibang libro niya pero mukhang wala siyang balak kunin sa akin iyon.

Hindi naman umalis si Leo sa kinatatayuan niya. "Hindi ka sasabay sa'min Aries?" tanong niya, agad ko namang itinago sa likod ko ang pink na letter nang mapansin kong napatingin siya sa hawak kong papel na iyon. "M-may gagawin pa ako e, una na kayo"

Tiningnan ko si Adrian na biglang napaiwas ng tingin, para siyang bata na minamadali si Leo umuwi. Napatingin na lang ako sa hawak kong libro habang hinihila ni Adrian si Leo palayo. Halos hindi ko malanok ang sarili kong laway dahil sa natuklasan ko.

"O'diba? Ganon ang ginagawa ni MJ sayo?" tanong ni Gwen kay Jessica sabay tusok ng fishball. Natauhan ako kasi biglang sumigaw si Jessica, kita pa namin sa bunganga niya ang tokneneng na kinakain niya. "Hindi kasi 'ganon. 'Wag mo na nga dagdagan 'yung pagkalito ko sa kaniya" reklamo ni Jessica na ikinagulat namin. Bigla namang natawa si Gwen, hindi rin siya nagpatalo dahil kita rin namin ang fishball na nasa bunganga niya.

"O, nahalata mo rin diba? Syempre tayong magagandang girls, hindi naman manhid para hindi maramdaman na may gusto sa'tin ang isang tao diba? Diba!" saad pa ni Gwen na parang hinihikayat niya kaming sumama sa welda.

Leo and AriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon