[Chapter 2] Featured Song: "Lost In Your Love" by Eica Cabalcar
"Totoo bang hindi ka pa na-iinlove?" tanong ni Leo habang derechong nakatingin sa mga mata ko na para bang kinikilatis niyang mabuti ang mga natatagong sagot. Ilang segundo akong hindi nakapagsalita, "Aries?" tawag niya ulit dahilan upang matauhan ako.
"Ha?" umiwas ako ng tingin sa kaniya saka napatitig sa cassette tape na hawak ko. "B-babalik na ko sa loob, baka magising si mama" saad ko at akmang papasok na sa loob ng bahay pero napatigil ako nang mapagtanto ko na hindi ko dapat siya alisan ng ganoon matapos niya ako puntahan ngayong gabi.
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya saka napahinga ng malalim "Tara?" saad ko na parang patanong. Kahit hindi ko sabihin o hindi man niya sabihin, pareho naming alam ang lugar na pupuntahan gamit ang salitang iyon.
Ilang metro lang ang layo ng bahay namin sa maliit na playground kung saan nasa tabi nito ang isang chapel. Nagkakaroon lang ng misa sa chapel na iyon tuwing fiesta, pasko, bagong taon, mahal na araw, birthday ni mayor o kapitan at tuwing may patay.
Tahimik na ang buong paligid, kaming dalawa na lang ni Leo ang naglalakad sa maliit na kalsada papunta sa playround. Mabuti na lang dahil kahit papaano ay kompleto ang mga street lights sa daan kaya maliwanag din ang buong park.
May malaking slide, seesaw, horizontal ladder, merry go round at swing sa playround kung saan palagi kaming naglalaro rito noong mga bata pa kami. Sa buong paglalakad, walang nagsalita sa aming dalawa.
Tahimik lang din siya, hindi rin naman siya palakibo at madaldal tulad nina Gian at Adrian. Pero sa kanilang tatlo, nagagawang magkwento sa akin ni Leo tungkol sa mga problemang kinakaharap nila ng lolo niya. Maging ang pangarap niya na mapabilang sa swimming varsity kapag nag-kolehiyo na kami at ang maiparinig sa buong mundo ang lahat ng kantang ginawa niya.
Naupo kami sa magkatabing swing, medyo luma at makalawang na iyon kung kaya't sa bawat galaw ay maririnig ang matinis nitong tunog. Napahinga ako ng malalim saka tumingin sa kaniya pero agad akong napaiwas ng tingin nang lumingon siya sa akin.
"Alam kong may sasabihin ka" sabi niya na mas lalong nagpakaba sa'kin. Ang dami kong gustong itanong sa kaniya, bakit niya ako pinuntahan ngayong gabi? Pwede namang bukas na lang niya iabot ang tape na ito. At bakit gusto niya na kaming dalawa ang kakanta ng kantang ito?
"W-wala ah" pagtanggi ko saka ko pinaandar ang swing na kinauupuan ko. "Sabihin mo na... Kilala kita Aries, kapag may sasabihin ka lagi kang napapabuntong-hininga" saad niya dahilan upang mapabuntong-hininga ulit ako. "Ayan, tulad niyan" habol niya sabay turo sa'kin.
Napatigil ako sa pag-swing at napalunok sa kaba "Bakit mo natanong kung na-inlove na ba ako?" napapikit na lang ako ng mata, nakakahiya.
Hindi naman agad siya nakasagot kung kaya't dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko saka ko sinilip ang reaksyon ng mukha niya. Nakatingala siya sa langit na para bang pinapanood niya ang milyon-milyong mga bituin sa kalangitan na kumukuti-kutitap.
"Paano ka makakagawa ng broken song kung hindi ka pa na-iinlove o nasasaktan?" sagot niya pero parang bumalik din sa akin ang tanong. Napangiwi na lang ako ng mukha, akala ko pa naman curious siya sa love life ko.
"Madali lang 'yan, marami naman akong napanood na telenovela at magtatanong na lang din ako kina Gwen at Jessica" sagot na para bang sisiw lang sa'kin ang lahat kahit pa ang totoo ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
"Iba pa rin kapag ikaw mismo ang nakaranas" sabi niya sabay tingin sa'kin. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako sa kaniya, ang ganda ng mga mata niya habang tumatama ang buhok niya sa kaniyang kilay. Siguradong mapapagalitan na naman siya ni Mr. Conrado dahil medyo mahaba na ang buhok niya pero wala akong balak na ipaalala sa kaniya na magpagupit siya dahil mas bagay sa kaniya ang ganiyang buhok.
BINABASA MO ANG
Leo and Aries
Novela JuvenilFour high school students living in a world of complicated first love, dream and friendship. (year 1996) Note: Original Sound Tracks are available at the end of every chapter. Book cover by: @BinibiningMariya Date started: June 12, 2019 Date finishe...