Chapter 15

5.9K 106 37
                                    

Pacenxa na po…. Sobrang busy lang…..   at Medyo  maikli lang po munang update…… Madami lang talagang ginagawa…. Babawi po ako sa susunod….. Thank you Thank you po ng marami sa mga patuloy na nagbabasa, nag-cocomment at nagvovote.

-(“,)

*****

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita

Bakit magtatampo iniwan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta

Paano ang Pasko, inulila mo

“Kailangan ba ganyan talaga Sarah? Ang lungkot ng kanta pero kung maka-kislap ang mga mata mo, wala nang bukas ah!   Palitan na lang kaya natin ang song mo.”   Narinig mong suggestioni ni Sir Louie.

Kasalukuyan kayong nasa studio ng SGL, band rehearsal for the next episode.   At dahil ilang linggo na lang ay Pasko na, hindi siyempre mawawala ang mga Christmas songs.   Case in point, the song that you were just practicing.

But as Sir Louie just observed, hindi tugma sa kanta ang emosyon na nakikita sa iyong mga mata.

From your seat in front of the band, you bashfully turned to Sir Louie and asked “Bakit Sir Louie, anong kanta ba dapat?”

“Kumukutikutitap!”  chorus nito at ng iba pang tao sa loob ng studio.

Napatawa ka na lang sa sabay-sabay ng pag-sagot ng mga ito.  

It’s a Thursday and you are currently in the studio of rehearsals.  Usually, the band rehearsal happens a few hours before the airing of a live episode.   But this coming Sunday, aside from the Live episode, another episode will be recorded.   1 of the two episodes that will be shown during the Christmas Holidays.   The other one will be shot the following Tuesday.

“Tawa ka ng tawa diyan, Sars.”   Narinig mong pansin ni Kuya Gerome. 

“Eh, mag-chorus ba kayong lahat.”

“Iisa lang ang nasa-isip namin eh.   Iba talaga ang epekto ni Babe sa’yo.   Mula pa kanina, nangingislap na yang mga mata mo.  At sobrang hyper mo.”   sagot ni Sir Louie.

“Sir Louie naman!  Intrigahin ba ako.    At talagang sinama pa si Babe sa usapan.  Di ba pwedeng masaya lang ulit ako na makapag-perform para sa mga fans ko?”  painosenteng tanong mo.

“Aray naman Ate Anna!”   reklamo mo na napapangiwi pa.   Ikaw ba naman ang hilahin ang buhok, ewan lang kung di ka mapapangiwi.

“Echosera ka Sars!  Eh halos buong Pilipinas himatayin sa moment niyo ni Ge last Sunday, tapos kunwari ka pa diyan na hindi siya ang rason kung bakit nangingislap mga mata mo diyan.”  Mahabang sagot sa’yo ng Ate Anna mo na siyang sumama sa’yo ngayong araw.

“This one’s for you Mr. Anderson!”  gaya pa ni Kuya Gerome sa sinabi mo last Sunday.

“If Ever you’re in my arms again, this time I’ll love you much better.”  Patuloy ni Sir Louie na may kasama pang pagtipa sa keyboard.

Tama ba namang i-reenact nila ang nangyari noong Sunday?   As if hindi pa sapat na pauulit-ulit na pinapalabas ang mga clips sa TV hanggang ngayon, kailangan ba talagang live re-enactment?

“Ay Sir Louie Sir Louie, mas maganda yong last song.    Yong   Never Let You Go.   Talagang may lines pa na “I'll never let you go, cause I really love you so” , bongga lang kung mag-statement eh!”  dagdag pa ni Ate Anna.

 “Ay, ano ba yan.  Gawin bang tula.  Hindi ganyan Ate Anna, dapat with feelings!  Dapat ramdam mo ang song. ” pakikisali mo na lang din at muling kinanta ang Never Let You Go.   With Feelings.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon