Chapter 1

568 17 8
                                    

[ A/N: Here's the first chapter of More Than This. Sorry for the grammatical and typographical errors! ]

-

Regine's Point of View.

Nagmamasid-masid ako ngayon sa kapaligiran dahil hinahanap ko ang aking katagpo. Nalibot ko na nga ang buong parke pero ni anino niya ay wala. Hula ko nga naliligo pa lang 'yon. Knowing that person, hay nako 'pakakupad kumilos! Dinaig niya pa ang pagong. Wala talaga akong aasahan sa taong 'yon, sarap iwanan. Pasalamat talaga siya mahal ko siya, kung hindi ewan ko nalang.

Patakbo akong bumalik sa kinauupuan ko kanina nang bumuhos ang malakas na ulan. Ba't parang biglaan naman yata 'to? Ang taas ng sikat ng araw kanina e. May kinakasal na naman bang tikbalang? O kumakanta lang ang kaibigan kong maalin kila Lea at Jaya?

Napatigil lang ako sa pagtakbo nang may bumangga sa akin. Tumilapon ang mga dala kong plastic bag. Halos matumba ako dahil sa malakas na pagtama ng mga katawan namin at sa madulas na sahig. Salamat naman at agad niya akong nasalo. Pero pagkatapos niya akong saluhin ay ganun niya rin ako kabilis na binitawan. Kamuntik-muntik na tuloy akong mapasunguba sa baha. 

Nang mahimasmasan ako sa nangyaring pagbangga, nanlaki ang mga mata ko sa nakita—isang matipuno, malakas ang dating, at makisig na binata. Hindi siya gaanong katangkaran pero masasabi kong bawi naman sa mukha.

Nagbago ang lahat ng papuri ko nang dahil sa sinambit niya, "Alam mo, miss? Kung gusto mo ako, hindi mo ako madadaan sa mga pabangga-bangga mo." Aba, e ang kapal pala neto?!

"Gago ka ah! Para namang sinabi mong wala akong taste," pagtataray ko at inirapan ang lalaki.

"Sa itsura mong 'yan? Parang wala nga. Tamang patol lang kahit kanino." Ngumisi siya nang parang nakakaloko. Tsk, hindi naman ako ganon. Kulangin man ako sa pera hinding-hindi ako magpapabayad. Pucha, over my sexy body!

"Ano kamo?!" pagalit kong sigaw. Nilapitan ko siya at pinakitaan ng kamao.

Tumawa lang siya. Oo na, hindi talaga ako katakot-takot. "See you soonest, miss." And just like that, he left. Iniwan niya ako habang nagkalat ang mga pinamili ko.

Bwisit naman o. Sa dinami-dami ko ba namang makakasalubong, ba't siya pa? Siyang walang modo at puro kakapalan lang ang nalalaman sa mundo. Sus, asa pa akong mangyayari sa akin yung mga nasa wattpad stories na may makakabungguan ka, pupulutin niyo yung dala mo sabay maya-maya magkahawak na pala ang mga kamay niyo, magkakatitigan, tapos ayon kayo pala talaga ang nakatadhana. Pwe, itigil natin ang kahibangang ito!

At dahil no choice naman tayo, ako na ang mag-isang pumulot sa mga dala ko. 'Wag na tayong umasang may darating na prince charming dahil walang ganon sa totoong buhay. Mabuti nalang talaga at nasa silong ako kaya't hindi ako gaanong nababasa ng ulan.

Natigilan ako nang may nakitang kamay na tumulong sa akin. Tumingala ako para malaman kung sino ang misteryosong lalaki. Hindi na ako nagulat na ang manliligaw ko pala ito, si Robin. Nangako kasi siya na kapag nangailangan ako ng tulong, darating siya, anumang oras at lugar. Sa pagkakataong ito, natupad naman niya. Dagdag puntos para sa isang 'to.

Tumayo kami at nagpagpag ng damit. "Robin at your service," aniya at sumaludo pa.

"Para kang sira!" humalakhak ako. Hinampas ko siya nang mahina sa dibdib. "Pa'no mo nalamang nandito ako, aber?" tanong ko, tinaasan ko siya ng kilay.

"Syempre secret ko na 'yon. Ba't ko sasabihin?"

"Ewan ko sayo, may pa-secret secret ka pa. Tayo na nga!" Umangkla ako sa braso niya. Hinila ko siya patungo sa lugar kung saan magkikita kami ni Lea. Siguro naman ando'n na 'yung babaeng 'yon. Kung wala pa e hanga na ako sa sobrang kabagalan niyang kumilos.

More Than This [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon