Chapter 3

449 18 14
                                    

[ A/N: Sorry sa late ud. Sobrang busy lang these past few days. So eto na, nagbabalik na po si Teacher Chona. Thank you for patiently waiting hikhok. Sorry for the grammatical and typographical errors! ]

-

Regine's Point of View.

"Teacher Chona, lumabas ka diyan! May nasusunog na sinaing!" Muntik na akong atakihin sa puso nang biglang sumulpot sa silid-aralan ko ang sumisigaw na si Jaya. Jusko naman, ba't kailangan sumigaw? Bilang ganti, kumuha ako ng walis sa tabi ko at akmang hahampasin siya. "Ito naman 'di mabiro. Kaloka ka ha," tumatawang aniya habang umiiwas sa pagpalo ko.

"Papatayin mo ata ako e," kunwaring hinihingal na sambit ko. Nakahawak pa ako sa dibdib ko na mabilis ang tibok ngayon. Totoong nagulat naman kasi ako. Mamamatay ako nang 'di oras sa mga pinaggagagawa nitong babaeng 'to, I swear.

"Patay agad? 'Di ba pwedeng pahirapan muna kita?" At dahil sa sinabi niya, awtomatikong kinuha ulit ng kamay ko ang walis. 'Pag ako naasar talaga itutuloy ko itong pangmalakasang hampas ko. Nako, nakamamatay pa naman ito. "Teka, ano ba 'yang pinagkakaabalahaan mo? Dismissal na ah, ba't busy'ng busy ka diyan?" Lumapit siya sa may pwesto ko. Pilit niyang sinisilip ang ginagawa ko pero agad ko itong tinago. "Ah, alam ko na. Magpapadala ka na naman ba ng pera sa tatay mo?"

Wala akong nagawa kun'di ang tumingin sa malayo. Kahit hindi ako sumagot alam kong alam na niya ang kasagutan sa sarili niyang tanong. Hindi na ito bago sa kanya dahil sa tuwing tinatanong niya ako tungkol dito, never pa akong sumagot. Palaging na-bblangko ang isipan ko pagdating sa usaping ito. Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Parang nabalutan na ng pagkaignorante ang buong pagkatao ko.

"Dai, hindi naman sa nanghihimasok pero dapat tigilan mo na 'yan. Puro ka reklamo dahil palagi siyang lasing pero ikaw na nga mismo ang nagbibigay ng rason para gawin niya ito. Tsk, very wrong." Hindi ko rin naman masisi ang sarili ko. Gusto kong tuparin ang kaisa-isang bilin ng nanay ko bago niya lisanin ang mundong ito. Kahit na medyo may hindi kami pagkakaunawaan ni papa, sinusustentuhan ko pa rin siya bilang iyon nalang ang daan para mapasalamatan sila sa kung anong meron man ako ngayon.

Ngumiti nalang ako nang pilit. Hinding-hindi na mababago ang desisyon ko. Sa loob ng anim na taon kong pagtulong, ngayon pa ba ako titigil? Ngayon pa ba kung kailan gumagaan na nang paunti-unti ang loob ko sa kanya? Ganon pa rin naman siya tulad nang nakasanayan ko. Masungit, iresponsable, masakit magsalita, at syempre walang pakialam sa aming magkakapatid. Tingin ko nga wala ng pag-asang magbago 'yon. Pero lagi ngang sinasabi ni mama, 'hindi mo malalaman ang mga mangyayari sa susunod na kabanata kung hindi mo ipagpapatuloy ang buhay'. Nakatatak na sa puso't isipan ko ang katagang 'yan kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa na mababago siya ng tadhana.

Tumayo ako at niligpit ang mga kung ano-anong nakakalat sa table ko. Napansin ko namang natahimik si Jaya. Natunugan niya sigurong ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa tatay ko. Inayos ko na ang mga gamit ko, binalik ko ang lahat sa dati nitong lagayan.

"O siya, tara na. Diyan ka nalang ba, Teacher Chaya?" Dala ko na ang bag ko at handa nang umalis. Nasa may bandang pinto na ako kaya pinatay ko na ang mga ilaw sa loob ng silid. Kaagad namang lumabas si Jaya. Sinigurado ko munang nakatanggal ang mga nakasaksak at malinis na bago sinarado ang pinto.

"Teacher Chona, kumusta first day of school mo?" tanong niya habang naglalakad na kami sa hallway  palabas ng building. Nasa 1st floor lang ang classroom ng preschool bilang pag-iingat na rin lalo na sa mga malilikot na bata. 'Yong iba pa naman kung makatakbo parang wala nang bukas. Give na give kumbaga.

"Oks lang. Makukulit na bata as expected but all of them are nice and well-mannered," pagmamalaki ko sa mga estudyante ko. Sana walang issue'ng maganap this year. Taon-taon laging meron e. Nasanay na rin ako. Pero base sa obserbasyon ko kanina, mukhang mababait at disiplinado nga talaga silang mga bata. Well, I really hope so...

More Than This [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon