Chapter 2

269 17 4
                                    

Ogie's Point of View.

"Ano? Payag na ba kayo?" Kanina ko pa kinukulit ang dalawang 'to. Nakailang sigaw at batok na ako sa kanila pero wa epek. Talagang matitigas ang mga ugok. Kung itrato nila ako ay para lang akong hangin sa paningin nila. Mga busy kasi sa cellphone, feeling may jowa. Tsk, asa.

"Maawa na kayo sa pogi, please?" nakangusong pagmamakaawa ko. Nagmumukha lang akong uto uto dito, letse. Kung hindi lang talaga para sa anak ko, hindi ko gagawin ang mga kahiya-hiyang bagay na 'to. Biruin niyo, sumayaw, kumanta, at kung ano-ano pa ang ginawa ko mapapayag lang sila. Well, 'di naman ganon kalaki ang hinihingi kong favor pero kailangan kasi ako ng kompanya bukas kaya hindi ko magagawa ang trabaho ko bilang tatay.

Tutal ayaw nilang maistorbo, nanahimik nalang ako rito sa tabi. Ilang oras na rin ang nasayang ko dahil sa pangungulit sa kanila. Walang nangyari, okay. Madali akong kausap. Kung ayaw, edi huwag. Wala na akong magagawa do'n.

Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga kakailanganing gamit ni Nate para sa first day of school niya bukas. Hindi dapat ako nakikialam sa gawain ng Yaya Teresa niya, sadyang natipuhan ko lang ngayon dahil excited ako para sa anak ko at sa mga maaaring mangyari sa kanya sa loob ng paaralan. Kumbaga nakikita ko ang sarili ko kay Nate noong munting mag-aaral pa lamang ako.

"Mister CEO, 'wag ka nang magtampo o. Anong atin?" kulbit sa'kin ng kapatid kong si Martin. Tinago nila ang kanilang cellphone nang matunugang natahimik na ako. "Ay eto, may banat pala ako." Bumuntong hininga pa muna siya bago magsalita. "Alam mo? Para kang sirang plaka, paulit-ulit ka nalang e."

"Ako'y 'wag niyong hinahangal at baka banatan ko kayo nang wala sa oras." Umiling-iling ako. "Hatid niyo bukas si Nate sa school," maawtoridad kong utos. Tiningnan ko sila nang masama, that 'makuha kayo sa tingin' look.

"Kaya ayokong pumunta dito sa bahay niyo e, laging napag-uutusan," tumatawang ani Aga, childhood friend ko. Sa lahat talaga ng naging kaibigan ko, siya lang ang tumagal sa pagkasamang ugali ko. Sabi nila, masungit daw ako, parang laging nireregla, pasan ang mundo, at kung ano-ano pa. Sa office 'yan lagi ang naririnig kong bulungan. Hindi ako bobo para hindi malaman ang mga hinaing nila patungkol sa akin.

"Nate, hindi ka muna papasok sa iskul," biro ni Martin na ikinatawa nilang dalawa. Nag-apir pa. Haha, silly.

"Wow, tatay na tatay ka ah?" pansin ni Aga sa pakikialam ko sa gamit ng anak ko. Psh, masama ba?

At dahil nabadtrip na ako, iniwan ko ang gamit ni Nate sa lamesa. Kinuha ko nalang ang cellphone ko para pampalipas galit. I feel like I'm not paying much attention to my child anymore. Nakakasama lang ng loob. Asan ba kasi nanay nito? Ayon, masaya na sa piling ng iba. Ni kumustahin man lang si Nate ay hindi magawa. Kahit 'wag na siya bumalik sa'kin, para sa anak ko nalang. Hmm okay lang, kaya naming mabuhay nang wala siya. Walang kwenta ina? Triple check.

Naramdaman kong tumabi sa akin ang dalawang bwisita. Hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa sa cellphone. Nagulat ako sa sabay na paghalik nila Martin at Aga sa magkabila kong pisngi. "Yuck bading, wala akong wampipti," reklamo ko. Todo pahid tuloy ako sa pisngi ko gamit ang tshirt kong suot. Lumipat ako nang pwesto, do'n sa kama.

"Hoy Ogie, I'm sorry okay I'm sorry," si Aga. Nakaluhod sila ngayon sa harap ko. Muntanga lang. Kanina ako ang gumagawa niyan ta's ngayon sila na. Bilis talaga ng karma. "Hahatid na namin si Nate bukas, promise." Finally.

"Oo nga, 'wag ka na magdrama sa twitter." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Martin. Pa'no niya nalaman?

"Thank God you two have a soft spot for me," masayang sambit ko. Sabi na e, effective rin minsan 'tong pagsusungit ko. Iba talaga powers ng kagwapuhan ng isang Mister CEO, lol.

"Kay Nate siguro meron pero sa'yo? Bro wala talaga," sabi ni Martin kaya't napahalakhak na naman sila.

"'Wag nga kayong maingay. Alam niyong may natutulog ditong d'wende e," pagbabasag ko ng tawanan nila. Napahawak sila sa kanilang bibig nang mapansin ang mahimbing na natutulog na si Nate. Nasa kama ko ito, ayaw niya kasing nag-iisa sa kwarto niya kaya nagpumilit na dito nalang daw siya sa tabi ko.

"Bad. 'Wag mong itulad ang inaanak ko sa'yo, pare. Tatangkad siya, manalig tayo!" sigaw ni Aga. Sabi't 'wag maingay, ang kulit.

"Buti nga nakatulog na 'yan. Hindi matigil ang bibig niyan kanina e, gustong-gusto niya na raw pumasok sa eskwelahan," pagbabahagi ko ng kwento. Gaya nga ng sabi kanina ni Martin, para daw akong sirang plaka. Ganon din ang anak ko. Mana lang sa tatay.

"Baka nararamdaman na ng pamangkin ko na magiging soon-to-be mommy niya 'yung preschool teacher niya," pang-aasar ni Martin na may pataas-taas pa ng kilay.

No, I'll never love again.

"Happy daddy, happy baby," binasa ni Aga ang hawak niyang papel. Hindi ko namalayan na may dinrawing pala ang lalaking 'to sa bond paper na pakalat-kalat lang kanina. "Happy si baby kung makakahanap na si daddy ng bagong mommy," dagdag pa nito. Nagtawanan sila at napaisip naman ako. Paano nga kaya? Hindi, hindi 'to maaari. Ayoko na. Takot na akong magmahal pa.

"Madamot na ako ngayon. Hindi na ako magmamahal ulit nang higit sa pagmamahal ng ibang tao sa akin."

More Than This [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon