CH-5:Akala

10 1 0
                                    

Tapos na ang aking sweet dreams. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata na may muta sa gilid.

Kinuskos ko ito ng marahan at bumangon ng bahagya.

Kasabay ng pag-unat ng aking braso ang paghikab na nagpapahiwatig ng maginhawang tulog.

Paglingon ko ay nakakatakot na bagay ang aking nakita my digital clock.

"Shit! It's already 7:09 am" bulalas ko nalang bigla.

Dali dali akong pumunta sa banyo upang maligo at magsipilyo. Pagkatapos ay nagbihis agad ako ng uniporme at agad na tumakbo pababa sa kusina.

"Bakit di mo ako ginising ma" sambit ko kay mama na nakataas ang kilay.

"Nakailang beses na kitang kinatok sa kwarto mo pero di ka naman sumasagot." Tugon niya sa akin.

Kumain ako agad ng agahan na itlog at hotdog. Habang kumakain, sumulyap ako sa aking relo.

"Gosh 7:34 am na. Ma!...aalis na ako." Sabi ko kay mama habang nagliligpit ng kinainan.

"Nakakalimang subo ka pa lang ah! Kumain ka pa" Sabi niya.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala dahil malilipasan ako ng gutom.

"Busog nako ma, saka late nako eh... Pagagalitan nanaman ako ni Angry Guard kapag nagkapang-abot kami" sambit ko habang nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Mag-ingat ka" sigaw niya sakin.

Habang nasa jeep, isinuot ko ang earphones at nagpatugtog ng music.

~alam kong mali na.... Alam kong Mali na.... Alam kong Mali naaaaa

Inihinto ko ang music dahil sa pagkalabit ng isang matandang babae sakin.

"Kumusta ka neng?" Tanong niya sa akin.

Nagtaka ako dahil hindi naman kami magkakilala pero kinakausap niya ako.

"Ok lang naman po ako" sagot ko sa kanya.

Titig na titig lang siya sa akin kaya sobrang nakakapagtaka. Inalapat ko ang aking kamay malapit sa aking pisngi at kiniskis ito ng maigi.

"May dumi po ba ako sa mukha?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman, Wala ka kas-" udlot na sambit ni Lola dahil sa pagsigaw ni mamang tsuper ng "OH MGA SAN PEDRO DYAN OH".

Tumayo si Lola at lumakad palabas ng jeep. Bago umandar ang sasakayan, nakita kong pinagmamasdan niya pa din ako.

"So weird" sabi ko sa isip ko. Saka na siya lumakad paalis ng makalayo na ang sinasakyan kong jeep.

Nablanko ang isipan ko kung ano ba iyon at bakit ganun siya makatingin. Isinuot kong muli ang earphones kong tumutugtog pa din. Bumalik ako sa ulirat ng maalala kong late na pala ako. Maya maya pa ay pinara ko na ang jeep at lumabas dito. "Haaaaaaay, malapit narin ko" sabi ko saking sarili.

Nagmamadali akong naglakad patungo sa pedestrian lane upang tumawid. Nang nasa gitna na ako ng kalsada, napatingin ako sa lapag dahil sa isang makinang na barya. Unang tingin ko ay sampung piso pero nang yumuko ako at inilapit ang aking mukha, piso lang pala. Hindi ko ito kinuha bagkus, dumukot ako ng piso saking bulsa at inihagis ito malapit sa pisong nasa lapag.

"Ayan ha, may kasama ka na" banggit ko ng may pagtawa.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad at nang makarating nako sa tawid, madaming tao ang sumalubong sakin. Mukha silang nagmamadali dahil sa itsura nila.

Pinoy Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon