CH-3:Kambal

26 1 0
                                    

Ako po pala Stephanie. Sa Calamba isinilang at lumaki. Sa bahay lang nila lolo Dan ako isinilang ng aking ina dahil sa kakapusan ng pera para sa panganganak sakin.

Laging sinasabi sakin ng lolo ko na may kakambal daw akong engkanto nang ipanganak ako. Kasabay daw ng panganganak ni mama ang panganganak ng engkanto sa lumang bahay nito.

Hindi ako naniniwala sa mga ganon dahil ayokong takutin ang aking sarili. Kahit pa na laging may kakaibang nangyayari sakin.

Nagsimula iyon nang madulas ako sa hagdan ng lumang bahay ni lolo. Sa balakang lang may nakitang fracture ang doctor pero simula ng mangyari ang aksidenteng yun ay ang sakit na ng balikat at likod ko.

Ilang buwan ko yung ininda. Nadagdagan din ng doble ang aking timbang na di ko ikinagulat dahil ako'y tumataba na siguro.

Isang beses nang ako'y naglilinis ng lumang bahay ni lolo napadaan ako sa salamin at nagulat sa aking nasilayan. May KUNG ANONG NAKAYAKAP SA LIKOD KO.

Nakasampa ito sa aking balikat. Nagulat ako kaya't nanakbo ako sa sala. Ikinuwento ko iyon sa lolo Dan ko at agad akong dinala sa albularyo.

Sa isang kumpas ng palaspas at bigkas ng ritwal ay nawala na ang kung anong nakasabit sa aking balikat. Ito daw ang aking kakambal na engkanto. Akala ko yun na ang huli naming pagkakasama. Akala ko ay nilisan na ako ng sinasabing kakambal ko.

Nang alastres ng madaling araw, oras ng pagbili ko ng pandesal naglalakad ako na tila ba lahat ng aso ay tinatahulan ako. Ayokong lumingon dahil natatakot nako. Di ugali ng mga aso dito samin na tumahol ng tumahol sakin dahil lahat halos dito ay napapaamo ko.

Nakakapagtaka na tinatahulan nila ako. Naalala ko yung sinasabi ni lolo. Hindi daw nakikita ng mortal na mata ang mga imortal na nilalang kaya kung tutuwad ka at sisilipin sa pagitan ng binti mo ang gusto mo makita ay makikita mo iyon. Nang mga oras na yon kahit natatakot ako ay ginawa ko iyon.

Laking gulat ko nang makita ko ulit sya!! Ang kakambal ko. Galit na galit ang itsura nya kaya nanakbo na ako. Laking gulat ko nang nasa harapan ko na sya. Nagsalita ito. Boses engkanto.

"Bakit mo ginawa sakin Yun? KAKAMBAL MOKO DIBA? BAKIT MOKO SINAKTAN?! BAKIT MOKO PINAALIS?!"

"Wala akong kakambal na engkanto!!!"

lumapit ito at sinakal ako.

"AKO ANG SUMAGIP NANG MAHULOG KA SA HAGDAN!! AKO ANG NAPILAYAN PERO ANONG GINANTI MO? PINAALIS MOKO!!"

Pilit kong inalis ang kamay nya sa leeg ko. Nanabo ako ng mabilis hanggang sa kaya ko.

Kinuwento ko iyon sa lolo ko. Hindi daw ako lulubayan ng kakambal ko hanggat di ito namamatay o hindi nya ko napapatay. Tinanggap ko na hindi ko na siya maaalis sa buhay ko. Nagsisimula na kong magkasakit ng panahong ito. Dahil daw iyon sa kakambal ko.

Ayokong patayin siya kahit pa unti unti niya kong pinapatay sa sakit. Isa lang ang dapat mabuhay samin. At siya yun. Baka sa mga oras na binabasa niyo to wala na ko sa mundong ito. Ako na ang magpaparaya sa kakambal ko. Hahayaan ko siyang kunin ang dati kong buhay.

(Edited)
Pakisabi po pala sa akin kung meron typo grammars para ma edit ko baka diko lang napansin

Pinoy Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon