CH-4:Tricycle Driver

21 1 1
                                    

May isang matalik na mag-kaibigan nong sila ay bata pa.

Si John at Rica.

Pero nagkahiwalay sila ng lumipat silang mag-anak sa napakalayong bayan dahil marami ang nagsasabing hindi maganda ang kanilang lugar at marami ang natatakot dito.

Nangako sila sa isat-isa na kahit magkalayo man sila wala paring magbabago sa pagkakaibigan nila.

Mabilis na lumipas ang mga araw at taon.

Si Rica ay isa ng ganap na Dalaga.

Tapos na siya sa kurso niya bilang isang Guro.

Yun ang pangarap niya at ngayon ay pinadala siya sa dati nilang lugar upang doon magturo.

Sobra siyang natuwa kasi makikita na niya ulit si John.

Matagal na siyang walang balita tungkol dito.

Habang papunta siya doon ay may nakasabay siya sa sinasakyang Tricycle na isang lalaki

Masasabi niyang gwapo ito, matangkad at matipuno ang katawan.

Timingin ito sa kanya at biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso.

Parang naninikip ang dibdib niya.

Bigla siyang nakaramdam ng pagkauhaw at Marahan siyang lumunok upang mapawi iyon.

Padilim na ng nakarating sila sa lugar.

Hindi na niya napansin kung saan dumiretso ang lalaki dahil dali dali rin siyang lumapit sa sumundo sa kanya at hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman.

Habang nakahiga na siya sa bahay na tinutuluyan niya ay hindi siya mapakali dahil iniisip niya ang lalaki na nakasabay niya sa Tricycle.

"Sino kaya yon? At ano ang ginagawa nito dito? Baka taga dito rin iyon?" -sunod-sunod na tanong kanyang isipan.

Di siya mapakali kaya napahawak siya sa kanyang ulo.

Bat ba masyado siyang nag-iisip tungkol dito, ganung ngayon niya lang ito nakita.

Inihahanda na niya ang kanyang higaan ng may marinig siyang kalabog kaya sya ay sandaling nakinig kung ano ang susunod na mangyayari.

Gumagalaw ang bintana sa tigiliran niya at tila inaalog iyon parang gustong buksan!

Napatayo siya sa takot at paatras na lumayo

Mula sa bintana...nang biglang bumukas ito at bumulaga sa kanya ang katakot takot na itsura!!

Napakahaba ng dila nito at ang mga mata ay nanlilisik at mapupula!

Matutulis ang mga ngipin!

At naglalaway na ito habang nakatingin sa kanya!

Dumukwang ito para abutin siya kaya napasigaw siya ng malakas sa sobrang takot!!

Hindi niya namalayan ang pagbukas ng pinto sa tagiliran niya kaya lalo siyang npasigaw ng may humawak at humila sa kamay niya..

Agad namang itinakip ng humila sa kanya ang isang kamay nito sa bunganga niya.

"Sshhhh! Hindi ka ligtas dito halika at sumama ka sa akin." -sabi nito.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng ang lalaki ito ay siyang naging kasakay niya kanina sa Tricycle.

Nagpumilit na pumasok sa kwarto ang Aswang kaya hinila siya ng lalaking kasama nya palabas doon at dinala sa isa pang kwarto.

Agad nitong ni lock ang pinto at napayakap naman siya dito ng mahigpit.

Habang umiiyak siya dahil sa sobrang takot.

Pinoy Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon