CH-6:Dormitory

9 0 0
                                    

Ako nga pala si light.Year 2007 nang napagpasyahan kong mag aral sa baguio as college student dahil taga isabela ako mas gusto ko sa maginaw.

So nakapasok ako sa SLU at nakahanap ng apartment sa may bandang guisad road.

Medyo malaki at may kalumaan na, gawa sa kahoy pero maganda.

Kasama ko ang ate ko lumipat,si Dark aminado akong bukas ang third eye ko at ganun rin ang ate ko ngunit di nya ito inoopen at pinapansin.

Una kong naexperience ito nung 2nd month na namin sa bahay. Kakauwi ko palang galing school at tinawagan ko ang ate ko.
Ako: te ano ulam?

Te: oh? (Mahina)

Ako: saan ka ba at di kita marinig.

Ako: te?

Te: dito! (Malakas)

So umakyat ako sa 2nd floor para sana mag palit na. Akala ko nasa kwarto sya pero wala. Pumunta narin ako sa banyo pero wala rin. At may narinig ako na dalawang nag hahabulan sa kwarto na parang mga bata.

Kinabahan nako at dali daling tumakbo papalabas ng mga 7 pm. At tumawag ulit ako sa ate ko.

Tama nga ang kutob ko. Nasa sesion RD ang ate ko at mag isa ko lang sa bahay kahit may tao man o wala sa bahay naka lock parin lagi ang door

So ayun sa labas ako nag hintay sa ate ko at ayaw kong pumasok.

The other week unti unti na syang lumalala dahil nag papakita na sila.

Kakauwi ko ulit nun ng mga 8pm para pag dating ko andoon na ate ko at walang kuryente ng time na un.

So naglalakad ako paakyat hagdanan ng may nahawakan ako sa hawakan ng hagdan na malamig at parang kamay ngunit wala naman ako nakita.

Patuloy akong naglakad at may tumapik sa paa ko na kamay. Di ako makagalaw ng makita ko ang kamay na kulay itim at mahahabang mga kuko.

Sobrang takot ko ay nag dasal ako ngunit sa kaliwang tenga ko ay may tumatawa at nabibingi naman ang kanan kong tenga.

Sabi nga nila malakas raw ang loob ko pag dating sa multo pero para sa akin is depende sa mood ko kung matatakot ako o hindi.

So tinuloy ko parin ang pag lalakad sa hagdan kahit parang may nang aasar na humahawak sa paa ko na malamig at itim na kamay pero wala naman itong bigat o pwersa.

Nakapikit akong umakyat,makarating lang sa bahay namin.

Kinwento ko ito sa ate ko pero ang sabi nya lang,nararamdaman nya raw ito pero di naman raw nananakita.

Isa pa is wag nalang raw namin ito pansinin dahil mahirap maghanap ng lilipatan sa kalagitnaan ng semester.

So nasanay na nga kami na parang may nang aasar sa amin na spirito.

Nagpapakitang itim na kamay. Pag kasama ko mga kaibigan ko at dumadalaw sila sa amin minsan tinatapik ko ang itim na kamay sa balikat ng kaibigan ko para mawala.

Kapag naliligo ako minsan may dadaan na anino sa door na hulmang babaeng kuba.

Pag gabi may nag lalaro ng bola at mga batang naghahabulan. Pero napagtyagaan namin yun ng 1 n half year.

Until nung graduating na ang ate ko. Sobrang creepy na ang nangyayari dahil nagpapakita na talaga sila sa panaginip.

Ng minsang nakatulog ako agad galing school mga ala una ng tanghali. Biglang hindi ko maigalaw ang katawan ko pero nakamulat ako at magisa ko.

Alam ko sa pag kakataon na un na nababangungot ako. Inikot ko ang mata ko at may nakita akong mga bata sa paanan ko

dalawang bata na mapuputi na parang papel. Puti rin ang mga buhok at ang hahaba ng kanilang bibig na pulang pula na almost aabot na sa kanilang tenga.

Tawa sila ng tawa. Bigla kong nakita sa muka nilang naging seryoso at may sinasabi ngunit hindi ko marinig.

Naalala ko ang sabi nilang igalaw ang mga daliri kapag nababangungot.

Ginawa ko nga at nakabangon akong pawis na pawis kahit maginaw talaga.

Binaliwala ko ang mga pangyayari ngunit lalong napapadalas ang pag paparamdam ng dalawang bata na nag lalaro ng bola.

Madalas narin ito sa aking panaginip ngunit dinadasal ko na lamang at nawawala.

Kaya sana namin tiisin until sa ate ko na sila nagparamdam. May isang gabing tumayo ng ate ko bali, double deck yung kama namin

biglang naghuhubad siya habang ako ay nag lalaro ng psp.
Ako: ate? Ano ginagawa mo!

Ate: (di sumasagot)

Ako: ate!!! . Bumaba ako at nalaman kong nakapikit pala at ginising ko.

Ate: light! may gustong kumuha saakin!

Ako: huh? Mga bata ba yan or babaeng kuba?

Ate: hindi. Malaking tao na kulay itim kaso walang muka p-pati y-yung m-mga k-kamay madudumi at m-mahahaba

Nag dasal kame ng time na yun at sabi ng iba naming kakilala mag alay lang kame ng itlog at isang bote ng gin.

Ngunit nauulit parin at parang gusto talaga kunin ang ate ko dahil isang umaga na punong puno ng linya ng kuko ang likod nya ngunit di naman raw masakit pero para na syang sugat.

Duon na kame na alarma at tumawag na kame sa mama namin sa probinsya para sabihing di na namin kaya.

Dumating si mama sun (sunny) at may kasamang albularyo. Since aalis na raw kame kailangang siguraduhing di kakapit sa amin ang mga spirito or sundan kame.

So ayun may mga ritwal at mga oil na pinahid sa ate ko. Kinausap ng albularyo at may mga inalay na kung ano ano.

sabi ng albularyo sa amin nung dumating sya sa bahay

Bahay raw pala iyon dati ng isang pamilya na na murder ng sarili nilang padre de pamilya bago nagpakamatay.

Kinwento ko ang mga nakita ko na isang babae na kuba at mga batang mapuputi at mahahaba ang mga bunganga at mahahaba rin ang kamay at sinabi nga ng albularyo na sinwasaktan at minaltrato sila kaya ganun na lamang ang itsura nila.

Ang dati palang panaginip ko na may gusto silang sabihin ay isa palang babala na dapat na kaming umalis at baka kung ano ang gawin ng kanilang tatay sa amin. Buti nalang at umalis na kame at ako naman ay nagpatuloy ng pag aaral sa manila.

Pinoy Horror StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon