Chapter 4

308 11 0
                                    

A/N : Gals,sorry kung na-late ng bonggang bongga ang pag-update ko :( Busy kasi sa school,you know.Sensya talagaaa .Anyways,pagpasensyahan nyo na 'tong Chapter na to.Sana magustuhan nyo :)

•Share it
•Vote it
•Comment/Suggest
•Follow me ;)

Bwahahahahahaha (°o°)

--SpideyGee.
pauikaaaneleven.

***

"Amethyst,wake up"

U.U zzZ

"Amy.."

O.O

Napaupo ako ng deretso nung marinig ko ang malamyos na boses ni Drew.Grabe,nakatulog pala ako.E kasi naman noh,ilang oras na kaya kaming buma-byahe.Naiinip na nga ako e.Teka..nakahinto na pala ang kotse nya.

"Where are we?"

Hindi sya sumagot at itinuro nya ang labas.Wow..just wow.Ang gandaaa.Lumabas agad ako ng kotse nya at tumakbo sa damuhan.Napakaganda dito.Madaming puno,flowers,butterfly at tsaka bench.Para akong nasa paraiso.Ang tahimik din dito.Ngayon lang ako nakapunta sa gantong lugar.

"Asan tayo?"

Hindi na naman sya sumagot.Umupo sya sa damuhan at bumuntong hininga habang tinitingnan ang sunset.Gee,ang ganda ng view dito.Uupo din sana ako kaso nag-sign sya na 'wait lang'.Sinunod ko naman.Hinubad nya yung jacket nya at inilatag nya sa damuhan,tsaka sya nagsignal na umupo ako.Teka,kanina pa to di nagsasalita?Napipe na ata sa kagandahan ko.

"Thank you"

Hindi pa rin sya sumasagot.Tiningnan ko sya at nakita kong seryoso syang nanonood ng sunset.Malapit na 'kong mainis.

"This place is just so perfect.." Sabi nya at tumingin sa'kin ng deretso sa mata.

"Why did you say so?" Sabi ko.

Ano ba sinasabi nya?Sa totoo lang ay wala akong maintindihan e.Kausap nya yata sarili nya.

"Nothing.."

"Ah,okay." Bwahahaha,kala mo pipilitin kita ah? Bahala ka dyan.Syempre joke lang.

"Alam mo ba,dito ang place kung saan ko balak dalhin ang babaeng mahal na mahal ko at alam kong habang buhay kong makakasama" Tuloy-tuloy nyang sinabi.

Napatahimik ako.Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa'min.Mayamaya ay hinawakan nya ang kamay ko.

"You know what I mean..hindi ko alam pero napakabilis ng pangyayari.."

Omg,matutunaw na yata ako sa mga titig nya.Ayan na naman ang mata nyaaa.

"Unang araw ng Senior year natin,noong nakita kita sa gilid ng stage..parang iba e..parang bigla akong may naramdamang kakaiba dito.." Tinuro nya ang dibdib nya.
"Yung naramdaman ko..parang naramdaman ko na sya noon pero hindi ko alam kung totoo..kasi parang--" Napabuntong hininga sya.Naguguluhan ako sa totoo lang -__-

"Mahal na kita.Mahal kita." Ibang klase din 'to.Ang bilis nya ma-fall.Parang si Christian,ang bilis ma-fall..ma-fall sa iba.Sheez,ano ba to!May nagtatapat sa 'kin ng feelings nya tapos iyong pesteng Christian na yun pa din ang iniisip ko!

Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya.Pawala na ng pawala ang araw...Anong konek?!?

"Hindi mo ba ako gusto?" Sabi nya habang hinaharap nya ang mukha ko sa kanya.

Sa totoo lang..masyado pang maikli ang panahon na dumaan para mawala ang sakit na naramdaman ko noon kay Christian.Masyado pang sariwa ang mga alaala nya sa akin.At higit sa lahat.Alam ko..alam ko sa sarili ko na si Christian pa rin ang laman ng puso ko.

Napayuko sya nang hindi ako sumagot.Nakita ko na nalungkot sya.Aww.This is supposed to be a date but it turned out really wrong.
Sorry Drew..Sorry but I don't love you.I don't and I can't ..I can't just for now..but I know someday I'm gonna wake up feeling the same way too..

***

A/N :
This must be a very short update.Yea.Sorry talagaaa.Kumakaway na talaga yung eyebags ko sa sobrang stress sana pagpasensyahan nyo guyth.Labyu :*

--SpideyGee.

He's My Destiny (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon