"Hi."
Natigilan si Kisses nang marinig ang boses na tumawag ng kanyang pansin. Nagpaalam siya sa mga kasamang babalik siya saglit sa table nila para uminom ng tubig kaya mag-isa siya ngayon. Huminga siya nang malalim bago nilingon ang may-ari ng boses.
"Uhm, hi Donny." Bahagyang ngumiti si Kisses.
"Uhm... C-can I ask you to dance with me?" Donny offered his hand to Kisses.
"Huh?" Napaangat ang tingin ni Kisses mula sa kamay ni Donny papunta sa mukha nito.
"May I have this dance, Kisses?" Donny asked more confidently this time.
Kisses held on to Donny's hand and stood up. "S-sure ka ba?"
Donny smiled at Kisses and gently rubbed her hand with his thumb.
"Can I call Tito G? Ipapaalam lang kita."
"Huh? Di naman kailangan." Bahagyang pag-iling ni Kisses.
"I want to. Same pa rin naman number niya?"
Kisses nodded. She tried not to let it show, but she felt confused by what was happening.
"Okay, wait lang ha? Sige, upo ka muna para hindi ka mangawit." Inalalayan ni Donny si Kisses para makaupo bago niya kinuha ang phone at tinawagan si Tito Gilbert.
Kisses looked around and was slightly relieved to see that they weren't getting any unwanted attention. Tinanaw niya ang mga kaibigan at mukhang di pa naman siya hinahanap ng mga ito.
"Good evening, Tito! Si Donny po ito."
Napalingon si Kisses dito.
"Gusto ko lang po sana ipaalam si Kisses po. Okay lang po ba samahan ko siya for the rest of the night? Medyo patapos na din po kami dito."
Inilipat ni Kisses ang tingin, pero patagong nakikinig pa rin siya sa mga sinasabi ni Donny sa ama.
"Yes po. Yes po, Tito. Okay po. Thank you po! Tito, kung okay lang din po, ako na po maghahatid sa kanya mamaya diyan sa room niyo po?"
Nanlaki ang mata ni Kisses at bahagyang napalingon sa kasama. Iniwas niya ang tingin nang nilingon siya ni Donny.
"Makakaasa po kayo, Tito. Thank you po. Sige po, I'll see you na lang later po. Thank you po ulit."
Donny placed his phone back in his pocket before offering his hand to Kisses again. "Pumayag si Tito. Let's go?"
Kisses nodded slightly and smiled a little before taking Donny's outstretched hand. Inalalayan siya ni Donny papunta sa di gaanong mataong part ng dance floor. Medyo malayo sila sa ibang mga bisita. Donny placed Kisses' hands on his shoulders before gently holding on to her waist. They swayed along to the music.
"I'm glad you decided to go tonight. I heard parang di ka pa sure until the last minute?" Donny started the conversation.
"Ah, the original plan was to go naman talaga. Kaya lang biglang last minute may important commitment na na-cancel din naman agad so yun."
"You look great," Donny smiled at Kisses. "Bagay sa'yo yung gown mo."
"Ikaw din."
"Sakto lang naman." Donny chuckled. "Dapat ikaw binigyan ng Best Dressed Award kanina."
Kisses glanced at Donny. "I'm sorry, Donny, but ano ba 'to? Wala bang magagalit? Why are you doing this?"
Nawala ang ngiti sa labi ni Donny. He tried to look at Kisses in the eyes, but iniiwas niya ang tingin.
BINABASA MO ANG
Huling Sandali
Fiksi Penggemar"Kahit sandali palayin ang pusong 'di mapigil Sana'y tayong dal'wa Sa huling pagkakataon"