***
"Uy,natulala ka" sabi sakin ni Shiela. Nabalik ako sa ulirat dahil dun. Umiling ako at napatingin ulit sa lalaki na nakatingin rin sakin
"Tara na umuwi" sabi ko sabay lakad. Sumunod naman sila sakin. Papalapit kami ng papalapit sa mga kalalakihan kung nasaan si Bryant. Bakit ganito ang pakiramdam ko nakakailang
Nasa tapat na namin sila ng tawagin nila si Shiela
"Hi Shiela, hi" bati nung kenneth ang pangalan
"Hello kenneth,hello sa inyo" mahinhing saBi ni Shiela. Ngumiti silang lahat pati yung Bryant
"May bago kayong kakilala?" parang nahihiyang sabi nung Archie. Napatingin silang lahat sakin
"Ah,oo si Saemer kaibigan namin" tumango naman sila. Naiilang akong ngumiti
"Hi" nahihiyang sabi ko. Grabe larang nangangatal yung boses ko. Ano ba self umayos ka nga
"Hello Saemer,ito nga pala si Archie,Cael,At Bryant" sabi nung kenneth. Siya lang yung nagsasalita sa kanilang lahat.Nginitian ko isa isa sila. Pero nung dumating kay Bryant yung tingin ko parang ayoko na ngumiti pero pinilit ko parin
"Pupunta ba kayo mamaya sa sayawan?" napatingin naman ako kila Shiela na nagiisip pa
"Oo pupunta kami,pero hindi ko alam kay Saemer kung sasama yan" siniko ko siya na dapat hindi niya na sinabi yun
"Bakit naman hindi Saemer pumunta kana,masaya yun promise" ngumiti ako ng pilit at tumango nalang
"Susubukan ko" maikling sabi ko. Tumango sila at nilapag ang skate board nila. Ang gara parang ang sarap subukan
"Gusto mong itry?" napatingin ako kay Bryant ng sabihin niya iyon.,Mabilis akong umiling
"Hindi,ano ahh nagandahan lang ako" palusot ko. Tumango siya at nagsimula ng sumakay sa skate board. Gusto ko rin sana kaso nakakahiya kung manghihiram ako
"Bakit ayaw mo?" siko sakin ni Natalie. Umiling lang ako at tumawa. Nagsimula na ulit kaming maglakad
"Teka!" rinig naming sigaw nila. Kaya napalingon kami sa kanila. May dala na silang ngayong tigiisang skate board
"Hatid na namin kayo" sabi ni Archie. Tumango naman silang tatlo. Magkakasabay kaming naglakad sa kalsada. Mabagal lang ang paglalakad ko
Nakita ko ang pagpantay sakin ni Bryant. Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili
"Taga manila ka?" nagulat ako dahil sa bigla niyang pagtatanong. Tumingin ako sa kanya nakatingin rin siya sakin
"Ah, oo ikaw rin diba?" tumango rin ito "Bakasyon mo lang dito?" tanong ko pa sa kanya
"Oo" napatango ako. Aalis rin pala siya dito katulad ko
"Saan ka nagaaral kung ganun?" tanong ko pa sa kanya.,Bumaba naman siya sa skate board at binitbit nalang ito. Naglakad nalang din siya katulad ko
YOU ARE READING
Encounter with you
Teen FictionSa unang pagkikita ang una ring pagtibok ng pusong nagmamahal