Chapter 3

5 0 0
                                    

***

Tinanggap ko ang kamay niya na nakalahad sa harap ko at unti unting naramdaman ang mainit niyang palad

Tumayo kami at pumunta sa gitna kung saan nagsasayawan ang mga kabataan

Nakatingin lang ako sa kanya hindi makapaniwala. Bakit ganito ang epekto niya sakin?

"Salamat dahil hindi mo ko pinahiya" natatawang sabi niya sakin. Natawa rin ako

"Bakit ko naman gagawin yun?" tanong ko sa kanya. Tumawa lang siya at unti unti na kaming sumayaw kasabay ng tugtog

Pigil ang ngiti ko dahil nahihiya ako na ngumiti sa harap niya baka isipin niya pa may gusto ako sa kanya

Bakit wala ba? sabi ng baliw kong isip
Wala duh! i have my Axel one man is enough

Naglalit palit ng kaparehas kaya napunta ako sa ibang lalaki. Hindi ko matanggal ang tingin kay Bryant na sakin rin ang tingin.Napanguso ako dahil ayoko sa iba gusto ko siya lang ang maisayaw sa lahat ng lalaki dito

Matatapos na ang kanta at hindi parin ako nakakabalik sa kanya. Hysttt nakakastress naman ito. Sa huling pagikot ay pinikit ko ang mata. Naramdaman ko ang paghawak ng kaparehas ko ngayon sakin ng mahigpit

"Huli ka" bulong niya. Minulat ko ang mata at nakita ang nakangising si Bryant. Tumawa ako at hinampas siya sa dibdib. Nagsayaw na ulit kami

Nakatingin lang ako sa kanya na nakanguting nakatingin sakin

"Ang ganda mo" sabi niya. Wow! pinuri niya ako nakakahiya naman

"Salamat ika--" naputol ang dapat kong sabihin ng may lumapit na babae samin

"Bryant,isayaw mo naman ako oh" mahinang sabi niya kay Bryant. Napayuko nalang ako at tinanggal ang kamay kong nakakapit sa balikat niya

"Ano kasi may kasaya--" pinutol ko siya sa dapat sabihin. Ayos lang naman na makipagsayaw siya sa iba diba hindi yung nasa isang tao lang siya nakikipags sayaw

"Sige Bryant magsayaw na kayo" umalis na ako dun bago pa siya makapagsalita. Nang nakalayo nako sa kanila ay tinanaw ko sila. Nanlambot ako ng makitang tumatawa na silang dalawa habang nagsasayaw

Umupo nalang ako sa upuan ko kanina. Bakit parang galit ako? Hindi naman sakin si Bryant para ipagdamot sa iba. Wala naman akong karapatan. Besides kakakilala ko lang sa kanya

Tiningnan ko ang orasan ko 2:24 am na madaling araw. Makauwi na nga baka magalit pa ang nanay kong dragon

Tumayo na ako sa upuan at nilibot ang mata upang mahanap ang mga kaibigan para makapagpaalam man lang

Nakita ko sila na nakikipag sayaw sa mga kalalakihan sa bamdang gilid ng sayawan. Kahit nahihiya ay lumapit ako sa kanila

"Shiela, aalis nako" paalam ko dito. Nagulat siya kaya tumigil sila sa pagsasayaw at tumingin sakin

"Aga pa" bulyaw niya sakin. Umiling lang ako at nakiusap kung pwede na akong mauna sa kanila

"Sige na nga tara hahatid ka na namin sa labas" napangiti ako at kumapit sa braso ni Shiela. Lumabas kami ng sayawan at may mga tao ring naglalakad baka pauwi na rin

Encounter with you Where stories live. Discover now