Chapter 5

3 0 0
                                    

***

Nagdaan ang ilang araw ng hindi ko nakikita si Axel ko huhu i miss him so much!

Ilang buwan nalang at uuwi na kami sa Manila dahil magpapasukan na at kaylangan nanamin ni kuya magpaenroll

Nasa labas ako upang magpahangin muna dahil ang init ng panahon ngayon

Nakita ko si Bryant na naglalakad habang hawak ang gitara. Nakita siya ako ay lumawak ang ngiti niya ng makita ako

"Hi" bati niya ng makalapit sakin. Ngumiti ako. Tumingin ako sa hawak niyang gitara ang ganda nun at kakaiba kumpara sa mga gitara na nakita ko

"Sayo ba yan?" tinuro ko ang gitara. Tumango siya at tinaas ang gitara

"Oo" pinatunog niya ang string ng gitara.Gumawa ito ng tunog. Napangiti ako dahil gustong gusto ko ang mga lalaki na naggigitara

Umupo kami sa isang kahoy na upuan.Sa tabi lang ito ng bahay

"Malapit na ang pasukan" nakatingin lang ako sa gitara na pinapatunog niya

"Oo,kaya malapit narin akong umuwi sa Manila" malungkot kong sabi. Ewan ko ba kasi parang ayoko na umalis dito. Kung pwede lang na dito nako. Kaso hindi dahil nagaaral ako sa Manila isang year nalang at graduate na ako saka hindi ko na makikita si Axel kung lilipat ako dito

"Pwede ka naman dito mag-aral. Balak ko nga dito mag-aral ngayong year if papayagan ako" napatingin ako sa kanya. Nakatingin rin siya sakin at iniintay ang sagot ko

"Hindi pwede" maikling sagot ko.May parte sakin na gusto meron din namang hindi. Ang gulo naman

"Why not, Maganda ang turo dito kumpara sa Manila na maraming mga alam mo na" natatawang sabi niya. Tumawa rin ako

"Pagiisipan ko" mahinang sabi ko . Napangiti siya at saka nilagay ang gitara sa tabi niyang upuan

"Cool. So aasa ako ah! wag kang paasa" biro niya sakin. Sinapak ko siya at tumawa kami parehas. Mukhang makakahanap ako ng boy bestfriend dito sa San Andres

"Maiba tayo. Nagkagirlfriend kana ba?" kasi naman gusto ko lang malaman dahil mukhang play boy rin siya at habulin ng chicks

Natahimik siya sa tanong ko. Pero huminga siya ng malalim bago sumagot

"Oo" napatango ako at lalo ko pang gustong magtanong tungkol sa kanya

"Kayo parin?" malungkot siyang umiling at nilaro ang daliri

"We broke up 2 years ago" nalungkot naman ako dahil dun. Nakakaawa naman pala siya

"Awww, so nasan na siya ngayon?" tanong ko ulit. Tumingin siya sakin

"Sa Manila dun siya nagaaral" walang emosyon niyang sagot. Siguro nasasaktan parin siya hanggang ngayon

"You still love her,do you?" kinagat niya ang ibabang labi bago nagpakawala ng malalim na hininga

"Yes, i really love her. Siya ang nagiisang babaeng minahal ko" malungkot na sabi niya. Nakakalungkot isipin na may mahal kang tao ngunit hindi pwedeng maging kayo parang kami ni Axel

Encounter with you Where stories live. Discover now