Chapter 4

4 0 0
                                    

***

Kinaumagahan tanghali na ako nagsing dahil sa napuyat ako kagabi sa sayawan

Sikat ng araw ang unang nakita ko dahil sa singaw ng bintana. Nakakasilaw at masakit sa mata ang liwanag kaya nakapikit akong tumayo at pumasok sa loob ng banyo

Naligo at nagayos muna ako bago maisipang lumabas ng bahay. Marami ng tao pagkalabas ko. Mabuti nalang at nakaayos na ako. Marami ang tumitingin sakin dahil agaw pansin ako sa aking paglabas sa kwarto

Tanghali na pala. Pumunta ako sa kusina kung saan nakita ko ang abalang si mama. Hindi ko na siya inabala pa at pumunta naman ako sa likod bahay at nakita si lola na nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kumare. Napangiti nalang ako

Lumabas nako ulit ako sa sala nakatingin sakin ang dalawang babae.Nagbubulungan ito

Lumapit ako baka sakali na marinig ko

"Apo iyan ni Aling Semi"

"Aba,kay gandang bata"

"Manang mana sa nanay"

Napatigil ako dahil sa mga bulungan. Weh? Ganda daw sabi ni ate

Nginitian ko muna sila bago lumabas

Maraming tao ang naglalakad sa labas. Nagtatawanan  at nagkukwentuhan

Lumabas ako at nakita si Kuya sa duyan nakaupo at nasa malayo ang tanaw. Lumapit ako dito at umupo sa tabi niya

Nagulat naman siya sa ginawa ko ngumiti ako sa kanya

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Umiling lang siya at saka nilaro ang lupa gamit ang sapatos niya

"Wala,umalis kana" sabay tulak sakin patayo sa duyan. Hindi ako nagpatalo at lalo kong siniksik ang katawan sa duyan

"Ang arte mo,mamaya na kasi" sabi ko sa kanya. Ang damot magpaupo ah! Di naman kanya

Tumigil siya sa pagtukak sakin at sumimangot

"Pupunta ba mamaya sila Princess?" nagtatakang tumingin ako sa kanya. Bakit naman biglang nagtanong to

"Oo yata" mahinang sabi ko. Narinig ko naman ang pagsinghal niya

"Dyan kana nga" tumayo siya sa duyan at pumasok sa loob ng bahay. Weird niya ah!

Nagduyan muna ako dahil wala rin naman akong gagawin. Nakapikit ako habang naduyan. Ang sarap sa pakirandam ng hangin na humahampas sa mukha ko

"Saimer!!" napamulat ako sa tumawag sakin nakita ko ang mga kaibigan ko na nagtatakbuhan palapit sakin

"Oh! bakit kayo tumatakbo?" takang tanong ko. Hinihingal pa sila dahil sa pagtakbo

"Kasi hinabol kami ng aso ni Mang Lito" sabi ni Shiela na nakaupo sa lupa at hawak ang dibdib

"Tara pumasok sa loob uminom muna kayo ng tubig" tumango sila at sumunod sakin papasok sa bahay

Encounter with you Where stories live. Discover now