Trio
Athena' s POV
Eto yung araw na pinaka ayaw talaga ng lahat, and I'm one of them. Hi everyone! My name is Athena Ann Herrera and I'm a fourth year highschool student. Nagtataka na nga lang ako sa mga sinasabi nilang napakasipag kong mag aral e. Parang ayoko talagang pumasok.
Di ko pa minumulat ang mga mata ko ng marinig ko na ang boses ng bruha kong kapatid. Ugh! wala bang araw na hindi ako sigawan nito tuwing umaga? Bwisit naman oh. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko ng makita kong nakatingin na sakin ang ate ko.
"Oh ano ng balak mo?" tanong nya sakin habang nakatingin ng masama sakin.
"Eh ate! Inaantok pa yung tao oh! Storbo ka sis?" Pagkasabi ko nyan humiga ako ulit at matutulog na sana, nang biglang...
"Tanga kaba? First day of school mo ngayon! Puyat ka kasi ng puyat ayan tuloy! Gumising kana dyan kung ayaw mong isumbong kita kay mama!" Pagkasabi nya non napatayo ako at tinignan ang kalendaryo. Matapos kong tignan ang kalendaryo agad akong tumakbo sa cr at sumigaw.
"BAT HINDI NYO KO GINISING NG MAS MAAGA?!" Sigaw ko habang tumatakbo papunta sa cr.
"Pinaalala ko yan sayo kagabi! Tanga ka lang talaga!" Hindi ko na pinansin si ate at naligo na. Mahirap na kung malelate pako noh.
Pagkatapos kong maligo agad na kong nagbihis at bumaba para kumain ng almusal. Nakita ko si mama na nakatingin sakin na nakangiti.
"Anak excited kana ba sa First Day mo?" naka ngiti nyang tanong saakin.
"Excited na hindi siguro ma, nakakatamad naman po kasi e tas may sisira pa ng araw mo bubungad pa ung panget na mukha ni ate" pang aasar ko.
"Excuse me lang ah, kung hindi pa kita gigisingin baka umabsent ka pa sa first day mo! Di ka na lang magpasalamat, you're welcome ah?" Inis nyang sabi sakin. Tumawa na lang kami ni Mama at nagpatuloy sa pagkain.
"Nga pala Athena, yung boyfriend mo schoolmate mo din pala, di man lang nagsasabi sayo." Natigilan ako sa sinabi nya. It's been a month na hindi na kami naguusap ng boyfriend ko. Madami na kasing nagsasabi sakin na may iba daw syang nililigawan. Ayoko namang maniwala kasi ayoko din masaktan. Tanga na kung tanga syempre mahal ko e!
"Uhm, Ma! Una nako ah? Late na po kasi ako. Iloveyou ma! Wish me luck" paalam ko kay mama. Di ko na kasi matagalan ung awkwardness dun samin. Hays.. ate talaga panira ng araw.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero tahimik akong pumasok sa school namin. Ang laki nga ng pinagbago ng school na to, mas dumami na din ung students dito kaysa noon.
Kumirot yung dibdib ko ng makita kong may ibang kasama ang boyfriend ko. He's Archi Rodriguez and also a fourth year highschool student. Nang mapatingin siya sa direksyon ko agad akong naglakad palayo. Hindi ko mapigilang hindi umiyak dahil sa nakita ko. Nanlalabo na ang mga mata ko dahil sa luhang tumutulo mula dito. Hindi ko namalayang may nakabangga na pala ako.
"Hoy ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Stupid!" Sabi nya na may halong inis. Natigilan siya nang tumingin ako sakanya.
"So-sorry" humihikbi kong sabi. "Sorry hindi ko sinasadya" dugtong ko.
"Wait, are you crying? Im sorry for what I did. Im just having a bad day right now." Nalungkot siya lalo ng makita nya pa kong patuloy sa pag iyak. " Hey! stop crying, first day natin oh!" Tas ngayon lalambingin nya ko? Hmp!
"First day nga pero tangina kasi sobrang sakit!Ang saya ko naman kanina e! Tas makikita ko yung boyfriend kong may kalandiang iba! Diba ang sakit nun? Dinaig ko pa yung sinaksak ng isang daang beses e!" Rinig na ata sa buong hallway yung hagulgol ko e. Ang sakit lang na makita mo ng harap harapang nakikipaglandian ung boyfriend mo sa ibang babae.
YOU ARE READING
Not a Happy Ending
Teen FictionSabi nila, kaya tayo agad pumapasok sa relationship is because we are curious. Curious about the feelings we will have. This is what Athena felt, that's why she decided to have a relationship with Archi. Si Archi ang lalaking walang ginawa kundi sak...