Hopefully...
Athena' s POV
So ayun nga natapos ang buong klase ko na wala man lang akong naintindihan. Eh pano kasi yang si Danica, sinabi pang lagi kong makakasama yang si Stanley! Aishh! Akala ko pa naman mas magiging maayos na yung buhay ko dito sa Unida University, feeling ko tuloy mas magiging worst to. Problemado na nga ko sa lovelife, dadagdag pa sila hayys. Ay speaking of lovelife, asan na ba yung boyfriend ko?
Lumabas ako ng room para hanapin si Archi. Habang naglalakad ako, naisipan kong itext si Archi para malaman ko kung nasan sya, nang makauwi na kami. Dahil nga sa kamalasan ko ngayon e may nakabangga pako. Pagtingin ko sa nakabangga sakin.
"Oh sorry, hinahanap ko kasi yung boyfriend ko kaya medyo nafa-frustrate nako. Kanina ko pa kasi sya tinetext e di naman sya nagrereply. Sorry again miss." Tinatanong ko ba kung may hinahanap ka? Geez.
"Ayos lang yun ano kaba? (Ang plastik ko sa part na to legit) - tsaka di rin naman ako natingin sa dinaraanan ko e. So sorry din ^__^" Nagsorry na din ako, may kasalanan din naman ako e.
"So una nako ah may hahanapin pa kasi ak- " naputol yung sinasabi nya kasi may tumawag sakanya mula sa likuran ko. Para akong nasaktan kasi kilala ko kung kaninong boses yun.
"Babe sorry for waiting, but atleast im here now. What are you up to?" Sabi na e. Ang sakit. Parang gusto ko ng umiyak, buti na lang talaga napipigilan ko pa.
"I was looking for you! Idiot! May nabangga pa tuloy ako!" Wow lang ah! Di nya bako napapansin dito? Sabagay naka yuko lang kasi ako.
"Who?" Wow lang! Di mo nako kilala ghorl?
"Sya oh!" Tumingin sya sakin na gulat na gulat. Tumingin ako sakanya na parang hindi ko sya kilala. Ayoko ng gulo e, so iwas tayo. Pero shet lang talaga. Bat ngayon pako nasasaktan kung kelan sobrang tagal na naming hindi naguusap? Dapat sanay nako neto e.
"Uhm you know, it was nice meeting you. But I have to go, hinahanap ko pa kasi yung BOYFRIEND ko, baka kung saan saan na pumunta. Bye! S- see you." Pagtalikod ko sakanila, tinraydor nako ng luha ko. Habang naglalakad ako, di ko na maiwasang hindi umiyak. Sinabayan pako ng langit, ngayon pa umulan. Malas ko nga naman talaga ngayon!
Napatigil ako kasi sumakit yung dibdib ko, di ko na lang ininda kasi gusto ko ng umuwi kaya naglakad nako ulet. Nagulat na lang ako na may humawak sa braso ko.
"Please, let me explain" si Archi pala. Hindi ko na napigilan yung sarili kong sampalin sya. Galit na galit nako sakanya e! Sobra na to!
"EXPLAIN?! I DON'T NEED YOUR F*CKING EXPLANATION!! SAPAT NA YUNG NAKITA KO KANINANG UMAGA TSAKA YUNG NARINIG KO KANINA! SOBRA KANA ARCHI! HINAYAAN NA KITA SA MGA GUSTO MO! KAHIT NASASAKTAN AKO! KASI MAHAL KITA! NI MINSAN BA INISIP MOKO? KASI AKO! WALANG ARAW NA HINDI KITA INIISIP! SOBRANG UNFAIR MO ARCHI! SOBRA!" Naiiyak kong sabi sakanya. Habang tumatagal mas lumalakas pa yung ulan. Sobrang init na ng pakiramdam ko pero pinilit ko pa din alamin yung mga sagot na gusto kong malaman.
"Mahal mo pa ba ko?" Mahina kong tanong sakanya. Sobrang nanginginig na yung mga tuhod ko.
"Sorry Athena." Napahagulgol na lang ako sa narinig ko. Sobrang sakit.
"P-pano mo to n-nagagawa sakin ha? P-pano mo na-natitiis na makita akong ganito?" Di nako makapag salita ng maayos dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
"Di ko na maramdaman yung dati e, sorry Athena, patawarin moko" mangiyak-ngiyak nyang sabi. Niyayakap nya ko pero tinutulak ko lang sya.
"HOW DARE YOU ARCHI RODRIGUEZ! HOW COULD YOU DO THIS TO ME?!" Sabi ko habang sinusuntok sya sa dibdib. Wala na talaga akong maintindihan. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko.
YOU ARE READING
Not a Happy Ending
Teen FictionSabi nila, kaya tayo agad pumapasok sa relationship is because we are curious. Curious about the feelings we will have. This is what Athena felt, that's why she decided to have a relationship with Archi. Si Archi ang lalaking walang ginawa kundi sak...