Chapter 4

24 0 0
                                    

A Good Friend

Athena 's POV

Salamat naman at natapos na yung klase. Sobrang boring non! Napagalitan pako ng teacher namin sa science. Eh sakin ba naman lagi binubuhos yung galit nya. Sampalin ko yun e! Syempre char lang mabait ako e hehe.

"Oh pano ba yan Athena, una nako sayo ah? Kelangan pako ni mama sa bahay. Baka pagalitan pako non pag ginabi ako" paalam sakin ni Danica.

"Ahh sige sige, ingat ka ah?" Sabi ko sakanya ng nakangiti. Napansin ko naman si Robin na nakasunod lang samin habang nagcecellphone. "Uy Robin! Uuwi kana ba?" Tanong ko sakanya.

"Ahh oo, tumawag na sakin si lola e. Pinapauwi na daw ako ni daddy. Una nako ah? Ingat ka" Paalam nya saka sya umalis.

Pinagmamasdan ko lang syang maglakad nang may biglang humawak sa braso ko.

"Athena pwede ba tayong mag-usap?" Nagulat ako sa tanong nya. Ang kapal naman kasi ng mukha nya. Dahil sa inis ko, agad kong tinanggal yung kamay nya sa braso ko.

"Archi wala na tayong dapat pag usapan pa." Mahinahon kong sabi sakanya. Ayoko muna ng gulo ngayon.

"Athena please? I think we can make this things right." Sabi nya sakin na ikinabigla ko.

"We can make this things right? Aba e ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw tong nagloko tas sasabihin mo sakin yan? Style mo bulok!" Inis kong sabi sakanya. Paalis na sana ako kaso nahawakan nya ko ulit sa braso

"No Athena, listen to me" Hinawakan nya yung kamay ko pero agad ko naman tong binawi.

"Listen? Archi tigilan na natin to! Kung closure lang naman ang gusto mo, okay ibibigay ko! Pero tama na to! Nakakapagod! Oo gusto pa kita pero kasi pagod na pagod na to! (Sabay turo ko sa dibdib ko) please!" Naiiyak kong sabi sakanya. Sobrang pagod naman na talaga ako e.

"Athena I think mahal pa kita" Nagulat nanaman ako sa sinabi nya. Nababaliw na ata sya.

"Archi nababaliw kana ba? I think? ARCHI SOBRANG KAPAL NG MUKHA MO! MATAPOS MOKONG SAKTAN GANYAN YUNG SASABIHIN MO NGAYON?! ARCHI MAY GIRLFRIEND KANA DIBA? TIGILAN MO NAKO!" Di ko na napigilan yung sarili ko kaya umiyak nako.

"Athena makinig ka sak-" Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil may biglang sumampal sakin.

"MAS MAKAPAL YANG MUKHA MO PARA SIGAWAN ANG BOYFRIEND KO! (Sinampal nya din si Archi) ANG KAPAL DIN NG MUKHA MO PARA GAWIN SAKIN TO! SINO SYA HA? ETO BA YUNG SASABIHIN MO SAKIN? NA KABIT MOKO? ARCHI 3 MONTHS TAYONG MAGKASAMA! ALAM KONG HINDI PA YUN MATAGAL PERO KASI ARCHI MAHAL KITA!" Umiiyak na din yung babaeng lumapit samin.

"Lorry please let me explain" Hinawakan nya yung kamay nung babae. Hinayaan nya lang ito.

"Then explain!" Umiiyak pa din sya.

"Si Athena talaga ang girlfriend ko. Pero ang totoo break na talaga kami ngayon. Iniwan ko sya dahil napagod nako sa relasyon namin. Yung mga hindi ko nakita sakanya, nakita ko sayo Lorry. Pero naguguluhan ako ngayon dahil ayokong may masaktan sainyo." Naiyak na din sya ngayon. Hayyys bat ba napakamalas ko??

"Ayaw mong may masaktan samin? Then mamili ka saming dalawa!" Sigaw sakanya ni Lorry na ikinabigla nya.

"Di naman na nya kailangang mamili. Ako na ang lalayo." Sabi ko sakanila at tumalikod nako. Di pako nakakalayo nang humarap ulit ako sakanila. "Lorry, mahal ka ni Archi. Kaya wag mo syang sasaktan." Tumalikod nako ulit. Bigla naman akong naiyak. Sobrang bigat na kasi ng nararamdaman ko kaya siguro bumigay na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Habang naglalakad ako, may nakabangga naman sakin. Sa sobrang hina ko, natumba ako. Inabot naman nung nakabangga ko yung kamay nya. Tinignan ko lang ito.

Not a Happy Ending Where stories live. Discover now