Naughty Cousin
Athena' s POV
Hayyyss... ang sarap ng gising ko (tamang unat lang) lambot lambot ng kama ko hm! Pinalitan ba nila yung bedsheet ko? Bat white to? E yellow yung bedsheet ko sa kwarto 🤨. Teka? Ibang kwarto to! Oh no! Asan ako? Wtf? Anong nangyari? Pagtayo ko sa kama, tama nga ko at nasa ibang kwarto nga ko. Bago ako umalis, inayos ko muna yung kama nakakahiya naman kasi kung aalis lang ako dito tas ang gulo gulo pa nung kama. Naayos ko na yung kama, kaso pagharap ko sa pinto.
"So, you're finally awake" Bat sya nandito? Don't tell me.. "Kung uuwi ka pa sainyo, malelate kana sa school. Hiniram na lang kita ng uniform kay Danica. Dyan kana lang maligo. Bilisan mo lang ng onti kasi sabay tayong papasok." Aalis na sana sya pero pinigilan ko sya.
"Uhm te-teka lang" Nababalisa kong tanong. "Bat pala ako nandito?" Pilit kong inaalala yung mga nangyari kagabi. Ay oo nga pala, nakita nya kong nakaupo sa gitna ng field habang naulan.
"Don't you remember every-" Tinakpan ko na lang ng kamay ko yung bibig nya saka ako nagsalita.
"Thank you (tingin sa gilid) Stanley" Nagpasalamat na lang ako kasi hindi ko nanaman kakayanin kapag naalala ko yung kahapon.
"Maligo kana." Wala man lang "You. Are. Welcome."? Ang rude talaga nya.
Pagkatapos kong mag thank you sakanya, naligo nako agad atsaka nagbihis na rin. Grabe ang bango ng uniform ni Danica. Akin na lang to!
Paglabas ko sa kwarto, grabe andaming tao. Mga pinsan nya ba to? O mga kapatid? Grabe naman. Maglalakad na sana ako palabas nang may pumasok na babae. Owemji! Kakambal ba to ni Stanley? Kamukhang kamukha nya to e.
"Wait? Sino ka?" Babae ba to? Or boyish lang? Kasi ang siga nya magsalita e.
"Uhm kaklase ako ni Stanley" Kinakabahan ako sakanya. Anytime kasi pwede akong suntukin nito pag inakala nyang magnanakaw ako dito.
"Kaklase? Umagang umaga may bisita syang kaklase? I don't believe you" Oh no. Nagdududa na sya.
"Kaklase ko sya Shamcey" Napatingin kami sa lalaking pababa ng hagdan. Napatulala ako kasi, kasi IHHHHH bat ang pogi ni Stanley sa part na yon?
"Bat ganto sya kaaga dito?" Daming tanong neto ah. Nakatingin siya kay Stanley na takang taka.
"Why do I have to answer that stupid question?" Woah english yon men! Ang astig talaga nya.
"Cuz im asking kuya!" Kuya? Edi hindi sila kambal? Grabe naman! Magkamukhang magkamukha talaga sila.
"Malelate kana sa school mo. Pumasok kana" Pagkasabing pagkasabi ni Stanley non umalis na agad yung kapatid nya. Nagalit ata, lagot ka Stanley.
"Kapatid mo ba yon?" Nakatingin kong tanong kay Stanley.
"Pati ba naman ikaw? Magsama nga kayo non! Ang aga aga ang dami nyong tanong!" Pagkasabi nya non may bigla syang hinagis sakin. "Oh!".
"Teka ano to?" Tinignan ko lang sya. Ihhh hindi ko maalis yung tingin ko sakanya e. Bat kasi ang pogi nya ngayon?
"Baka gusto mong tignan. Di yung sakin ka lang nakatingin! Idiot!" Ang harsh! Tinignan ko yung hinagis nya sakin.
"Pagkain? Hi-hindi naman ako gutom e" Di naman talaga ako gutom. Ewan ko din e pero kasi wala talaga akong gana.
"Kailangan mong kumain. Iinom ka ng gamot. Baunin mo na lang yan tas dun kana uminom sa school. Nasa bag mo na yung gamot mo, nilagay ko na dyan." Tas biglang magbabago yung mood nya. Napaka moody talaga neto. Pero teka...

YOU ARE READING
Not a Happy Ending
Fiksi RemajaSabi nila, kaya tayo agad pumapasok sa relationship is because we are curious. Curious about the feelings we will have. This is what Athena felt, that's why she decided to have a relationship with Archi. Si Archi ang lalaking walang ginawa kundi sak...