Oceane
Maraming estudyante ang lumabas ng portal. Nandito ako sa di kalayuan, hinihintay si Zaiden. Ewan ko ba kung bakit naniwala ako kay Altheia na sasama sa aking mundo si Zaiden. Anong dahilan niya at sasama siya sa mundo ko.
"Bakit ayaw mo pa pumasok sa portal?"
Napatingin ako sa nagsalita, si Jacob pala. Hawak niya sa kabilang kamay ang apat na libro at ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa strap ng backpack na nakasabit sa kanyang likuran.
"May hinihintay pa ako." sabi ko
Hindi ko siya tiningnan, hindi pa rin ako nakaka recover sa ginawa niya, sa mga sinabi niya sa akin. Narinig kong huminga siya ng malalim.
"Sorry.. sorry sa mga nasabi ko." sabi niya
Hinarap ko na siya. "Masakit Jacob, naniwala ka sa mga sabi sabi ng kung sino sino, to think na mas kilala mo ako kesa sa kanila. Hindi ko alam na ang baba pala ng tingin mo sa akin." sabi ko
"Hindi mababa ang tingin ko sa'yo. It's just that I.. I'm.." sabi niya. Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
"Hindi mo naman kailangan pa mag- explain. Ang reaction mo kanina, hindi mawala sa isip ko." sabi ko. "P-para bang hindi mo ako kilala habang sinasabi mo ang mga bagay na iyon sa akin. P-parang hindi tayo sumabay lumaki, ibang tao ang tingin mo sa akin kanina."
"N-nabigla din ako sa mga nasabi ko kanina. Balitang balita kasi sa school so early in the morning kaya parang..." sabi niya
"Parang naging katulad ka ng iba na hinusgahan na ako kahit hindi nila alam ang totoo?" sabi ko
"N-nasaktan lang ako sa narinig ko.. kaya naisip ko na maaring totoo, masyado kang malapit sa Alfiro na 'yon. " sabi niya
Nagsmirked ako. "Alam mo ba kung bakit siya pumasok sa silid ko kagabi? Kung ano ang totoong nangyari?"
Umiling siya. Diretso siyang nakatingin sa aking mata.
"Natatakot ako mag-isa sa silid ko kagabi. Mula ng mabasa ko sa dyaryo na may mga umaatakeng bampira sa kabilang mundo hindi na ako makatulog ng maayos. Nagmalasakit siya sa akin, Jacob. Binisita niya ako sa silid ko, at alam mo ba ang nakita niya? Habang mahimbing akong natutulog? Bampira, nasa loob ng aking silid, nakatayo sa tabi ko." sabi ko
Napansin ko ang pagkabigla niya sa sinabi ko. Hindi niya alam na may bampira na palaging dumadalaw sa akin ng hindi ko nalalaman, mabuti na lang at sinabi ni Headmistress Alyora sa akin.
"S-sinaktan ka ba ng bampira? A-anong ginawa niya sa'yo?" tanong niya
"And now you're worried about me?" sarcastic kong sabi. "The last time I checked, galit na galit ka sa akin, you've hurt me." sabi ko
Napansin ko ang pagtingin niya sa braso ko, may pasa ito, sa bahaging kung saan niya ako hinawakan ng mahigpit kanina.
"You don't need to worry, Jacob. Thanks to Zaiden Alfiro, because of his concern, I'm here in front of you and talking to me. And the person who does good, there in racmea, punished by disobedience. Isn't unfair to Zaiden Alfiro?" sabi ko sabay iling.
"Gusto mo ba siya?" biglang tanong ni Jacob
"Napag-isip isip ko, nabigla ako noong sabihin ko sa'yo na gusto kita." sabi ko. "After what happened, na realized ko, hindi ikaw ang gusto ko."
Hindi nagsalita si Jacob, naramdaman ko ang pagka-guilty niya ngunit hindi maganda ang mga sinabi at ginawa niya kanina sa akin. Hindi ko iyon inaasahan.
"Siguro Jacob, we both need space..." sabi ko
"H-hindi mo na ako kailangan sa buhay mo?" tanong niya
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book One: The Academy (School of Wizardry)
FantasyAcademy of Witchcraft and Wizardry Book One The Academy (School of Wizardry) Naniniwala ka ba na maari kang maging isang natatanging estudyante sa isang natatanging paralan sa isang natatanging mundo at maging isang natatanging nilalang? Subaybayan...
