Zaiden
SA LABAS ng silid ni Oceane nakatayo kaming dalawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na hindi siya ordinaryong tao. Isa siyang witch at hindi siya outcast sa Section Fire at sa Wizarding World.
"Parang panaginip lang.." nakangiting sabi niya
Imbes na sumagot at hinawakan ko ang ulo niya saka dahandahan hinaplos ang kanyang buhok. Napangiti ako.
"Nakaka-inis ka pag ginagawa mo sa akin 'yan." sabi niya
"Ha? Bakit?" maang na tanong ko
"Sa kabilang mundo, mga alagang hayop lang ang malimit na ginagamitan ng ganyang gesture." sabi ko
Itinaas ko ang kamay ko saka ko inalis ito sa kanyang ulo. "Sorry, I can't help myself, you're so cute.."
Napansin ko na pinamulahan na naman siya ng mukha. Muli akong napangiti. "About what your Mom said.."
Kumunot ang kanyang noo. "Alin doon?"
Habang nakatingin sa kanya natigilan ako.
"Zaiden.." sabi niya
Bahagya akong ngumiti. "Make sure naka- lock ang bintana at pinto mo. Uuwi muna ako sa bahay, nandoon kasi si Dad at Kuya today. I need to meet them."
"O-okay... ingat ka pag -uwi mo." sabi niya
Binuksan niya ang pintuan ng silid niya, ako naman ay nakatayo pa rin sa kanyang likuran. Bago tuluyang pumasok sa loob ng silid lumingon pa siya sa akin, nakangiti.
"I really had a great time, Zai.." pagkasabi noon ay tuluyan na siyang pumasok at isinara ang pintuan.
"Me too!" mahinang sabi ko
"Zaiden."
Sa library naabutan ko si Dad na nakaupo sa paborito niyang upan habang nakatitig sa apoy ng fireplace.
"Dad.." huminto ako sa paglalakad. Nakatayo ako di kalayuan sa kanyang kinauupuan.
"May maganda ka bang balita para sa akin?" tanong niya na hindi man lang lumilingon sa akin.
"Tama ang hinala mo, Dad. May koneksyon si Oceane kay Miranda." sabi ko. "Siya nga ang ina ni Oceane."
Lumingon si Dad sa akin. Nakangiti ito. "Nakausap mo siya?" tanong ni Dad. Tumango naman ako. "Magaling Zaiden.. alam kong maaasahan kita sa bagay na ito."
Matagal ng hinahanap ni Dad si Miranda at nang makita ni Dad si Oceane nang minsan dumalaw siya sa Academy, kinausap ako ni Dad. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero masama ang kutob ko.
"Natagpuan na rin kita Miranda.." mahinang sabi ni Dad ngunit sapat iyon para marinig ko
"Anong plano nyo sa kanila Dad?" curious kong tanong
"Sa ngayon, kailangan ipagpatuloy mo ang ginagawa mo." sabi niya "Magpahinga ka na, Zaiden. Salamat sa ginawa mo." hindi pa rin maalis sa labi ni Dad ang ngiti.
Umakyat ako sa 2nd floor ng bahay namin. Sa tabi ng silid ko, nakatayo si Kuya Justin habang nakatitig sa akin.
"Nagawa ko na ang gusto niya, Kuya" sabi ko
"He will start to move now.." sabi ni Kuya
"Kuya, bakit gustong gusto ni Dad na mahanap si Miranda? Isa ba siya sa nakaraan ni Dad?" tanong ko kay Kuya
"Hindi ko din alam, Zaiden." sabi ni Kuya
Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang doorknob at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book One: The Academy (School of Wizardry)
FantasyAvailable On DREAME App Academy of Witchcraft and Wizardry Book One The Academy (School of Wizardry) Naniniwala ka ba na maari kang maging isang natatanging estudyante sa isang natatanging paralan sa isang natatanging mundo at maging isang natatangi...