Chapter 2: The Elves

14.9K 289 26
                                    

Oceane

PAGKATAPOS ko ng gawaing  bahay at patuturo sa mga bata. Naghahanda na ako para sa pagbabalik sa Academy. Dumaan naman si Jacob, kakatapos ko lang magbihis at hindi pa ako lumalabas ng silid ko.

"Handa ka na?" tanong ni Jacob tanong ni Jacob mula sa labas ng aking silid.

“Oo, sandali na lang..” sabi ko naman

“Bakit parang wala na naman si Tita?” tanong niya ulit

“Hindi ka na nasanay kay Mama. Kung kami nga mag-ina hindi nagkikita kayo pa kaya.” sabi ko naman

“Kumain ka na ba? Gusto mo ba kumain muna tayo sa kanto?” tanong niya

“’Wag na gagastos pa tayo, may pagkain naman sa Academy, isa pa may usapan kami ni Zaiden ngayon.” sabi ko

Hindi na siya nagsalita pa, mabilis ko naman isinakbit ang bag sa aking balikat. Tiningnan ko pa ang kabuoan ng silid ko na baka may nakalimutan ako. Nang masiguro kong wala na at okay na ang lahat, hinawi ko ang kurtina sa pintuan ng aking silid. Nakaupo si Jacob sa sofa habang nakatitig sa hawak niyang teddy bear na may nakaipit na rose.

"Para sa akin ba yan?" sabi ko paglapit ko sa kaniya.

Tumingin lang siya sa akin, hindi sinagot ang aking tanong.

“Bakit ang seryoso mo? Kahapon ka pa wala sa mood.” sabi ko naman

Imbes na sumagot sa akin, itinago niya ang teddy bear sa bag niya. Halos masira na ito dahil sa pagpilit niyang pagkasyahin sa loob.

"Akin na nga yan.." sabi ko sabay kuha ng teddy bear sa bag niya

Mabilis akong tumakbo papalayo, siya naman ay nakaupo pa rin sa sofa at nakatingin sa akin.

"Ibalik mo na sa akin ‘yan, baka masira.” sabi niya

“Baka masira ka dyan, eh halos mapunit na nga ang paa nito kasi pinagsisikan mo dyan sa bag mo.” sabi ko naman

Nilapitan niya ako, at pilit na kinukuha sa akin ang teddy bear. Iniiwas ko naman sa kanya ang teddy bear sa tuwing tatangkain niya itong kuhanin.

“Hindi ko ibibigay ito hanggat di mo sinasabi sa akin kung bakit ka bad trip at kung para kanino ito.” sabi ko

Hindi siya nagsalita, tinitigan lang niya ako na para bang sinasabi niya sa akin na makuha ako sa tingin, ngunit hindi ako nagpatinag, nakipagtitigan din ako sa kanya. Ngunit hindi nagtagal siya na rin ang unang umiwas ng tingin sa akin.

Iniabot ko kay Jacob ang teddy bear. “What’s with you? Bakit ganyan ang attitude mo sa akin?” tanong ko

Kinuha niya ang teddy bear at naglakad pabalik ng sofa. Ipinasok niya ulit sa bag ang teddy bear.

“Galit ka ba sa akin?” tanong ko

“Bakit naman ako magagalit sa’yo?” sabi niya

“Bakit nga ba?” balik tanong ko sa kanya

Tumayo siya at kinuha ang bag sa akin, lumabas na rin siya ng bahay, ako naman ay sumunod sa kanya matapos ko masigurong naka lock ang lahat.

Hindi nagsasalita si Jacob habang naglalakad kami, kahit pa siya ang may dala ng bag ko. Sa pagtawid sa stoplight, hindi na rin niya ako inalalayan, imbes diretso siyang naglakad na para bang wala siyang kasama.

"Uy galit ka ba talaga?"

Hindi siya nagsalita o tumingin man lang sa akin. Hindi na rin ako nangulit pa at nauna akong maglakad sa kanya. Dahil sa inis ko, wala na akong napapansin sa dinadaan ko, nagulat na lang ako ng hawakan ni Jacob ang braso ko.
Ngayon hawak niya ang braso ko at balakang ko habang magkaharap kaming dalawa, nalaglag naman ang bag ko sa semento.

Academy of Witchcraft and Wizardry Book One: The Academy (School of Wizardry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon