Chapter 3: Vampire

11.5K 249 21
                                        

Oceane

BINABASA ko ang front page at isang larawan ng bampira ang nanduon, lalaking bampira. Mahaba ang buhok nito na sa tingin ko ay lampas balikat, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa camera. Katulad ng ibang larawan gumagalaw din ito, mapapansin ang di niya pagkurap at simpleng pag ngiti.

"Mula noong eve of full moon, nagsimula silang manggulo sa ibang bayan at kahapon lang, tumawid sila sa kabilang mundo at doon sila nanggugulo.” sabi ni Zaiden"

"B-bampira? Y-yung kumakagat sa leeg?" tanong ko

Tumango naman si Zaiden. Napalunok ako.  "Totoo pala sila?"

"Oo naman.. " sabi ni Zaide

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.Nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang larawan ng bampira sa dyaryo.

"B-bakit sila nasa mundo namin? Bakit sila tumawid doon para manggulo?" tanong ko ulit

"Aside from thirst of blood, may hinahanap sila. " sabi ni Zaiden

Napatingin ako kay Zaiden. “Hinahanap? Sinong hinahanap nila?”

Muli akong napatingin sa dyaryo, nanlaki ang mata ko ng makita ang address ng isang biktima. Malapit ito sa bahay namin, isang kanto lang ang layo nito.

‘Si Mama...’

Nakaramdam ako ng pag aalala ng maisip ko si Mama. Kahit palaging wala si Mama sa bahay, baka mabiktima siya ngmga bampira, kung hindi man sa bahay namin, sa lugar na maaring makasalubong niya ang mga ito sa daan.

"Mga birhen ang binibiktima nila. Para kasi sa kanila, kakaiba ang lasa ng dugo ng isang birhen babae man o lalaki. Kaya nga mas gusto nila ang sariwang dugo ng mga bata, inosente kasi ang mga ito."

Nabasa yata ni Zaiden ang iniisip ko.

May kung anong gumagalaw sa di kalayuan. Kumurap kurap pa ako para maaninag ko ng maayos ang bagay na iyon. Isang liwanag mula sa sala ng dorm ang nakita ko at papalapit ito sa amin.

Agad akong nagtago sa likod ni Zaiden. Though hawak ko ang wand ko, takot talaga ako sa mga blood sucker. Napalingon si Zaiden sa tinitingnan ko, pagkatapos ay ngumiti ito

"Altheia!" sabi ni Zaiden

"Altheia?!" sumilip ako mula sa likod ni Zaiden

Isang magandang flower fairy ang nasa harapan ko. May anyo siyang tao pero maliit lang siya at may makinang na pakpak. Mas maganda ang itsura niya kesa sa mga fairy na nakatira sa garden ni Prof Wylun.

"Hinahanap ka namin kanina.. saan ka ba nagpunta?" tanong ni Zaiden

"Pasensiya ka na, Zaiden, gumawa kami ng shield para sa fairywood kaya abala kami kanina. Biglaan dahil sa masamang balita. Nabalitaan mo na ba ang pag atake ng mga bampira sa mga taga lupa?" sabi ng fairy

"Oo, nandito sa dyaryo.." sabi naman ni Zaiden

Itinaas pa ni Zaiden ang hawak na nirolyong dyaryo. Napansin ni Altheia na nagtatago ako sa likod ni Zaiden.

"Sino ang kasama mo?" tanong ni Altheia

"Siya ang ipapakilala ko sa’yo. Oceane si Altheia.. Althea ang..” sabi ni Zaiden

"Espeyal?” sabi ni Altheia

“Espesyal?” tanong ko naman

“Kaibigan ko siya Altheia, be nice to her.” sabi ni Zaiden

Hindi ito ngumiti. Nag cross arm lang ito."Hindi naman pala kagandahan." sabi nito

Tumaas ang isang kilay ko. 'Aba't ang sama ng ugali ng isang ito'

Academy of Witchcraft and Wizardry Book One: The Academy (School of Wizardry)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon