"Kuya, ba't minsan lang kita nakikitang ngumiti? Sa mga coverage ng PBA, lagi kang nakasimangot. Ang pogi mo kaya pag nakatawa. Try mo. Ganito." tapos pinindot ko yung pisngi niya at inangat ito paitaas. Oh, instant ngiti. Di na kailangan ng surgery.
Nagulat siya dun sa ginawa ko. As in yung poker face pero yung mata dilat na dulat tas nakakunot pa yung noo. Ang cute kaya. Ahahaha.
"A-ahh.." sabi niya. (Well, sort of)
Ay. Tinanggal ko na kamay ko. Shems, ang awkward.
"Uhh.." natameme kaming dalawa.
BA'T BA KASI ANG POGI MOOOOOO? Nakakatunaw ka.
"Uhh.. May sasabihin po ako sainyo kuya. Ano.."
Aswhucks. Sasabihin ko ba? Kinakabahan ako, punyeta.
"Ano, gusto kita. Pero dahil bata pa ako at sobrang taba ko, hindi mo ako magugustuhan. SA NGAYON." nagulat nanaman siya. Ano, mukha ba akong mangkukulam? =_=
Tinuloy ko, "Ang absurd man nitong pakinggan, pero may isang favor po ako sainyo."
"Eh.. A-ano?" nagtataka na medyo naguguluhang tanong niya.
"Antayin niyo po ako. After four years, promise ko. Magpapapayat ako, at magiging kasing tangkad ninyo. I will do my best. Babalik ako, para makita ka ulit. Susuportahan naman po kita at papanoorin sa bawat laban niyo, yun ngalang, hindi muna ako magpapakita. Pero, I'll do whatever it takes for you to like me. Just promise me you'll wait. Okay?" tapos ini-stick out ko yung pinkie finger ko.
Medyo nag-hehesitate siya. Alam ko kasi halata sa mukha niya.
Awts bhe. I cry. ;~;
Iniangat niya yung pinkie finger niya tapos ininterlock sa akin.
"Sige. I promise. Dapat kasing tangkad mo ako ah."
Pagkatapos nun, ngumiti siya at pi-nat yung ulo ko.
Ohmaygahd.
YOU ARE READING
Chasing Cars
Romance""Maraming bagay na pwedeng ikasaya. Ba't mo pipiliing maging malungkot?" -June Mar Fajardo Minsan, may mga oras na dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan sa mga bagay na gusto nating mangyari. Pero, dapat alam din natin kung kelan magsisimula, hih...