Tsapter 2: Da Meeting

15 0 0
                                    

Pwet.

Hindi pa din ako makapaniwala.

Kanina. Si. Si.. 

SI JAMES YAP HINDI PINASOK YUNG TRES NIYA!! -________-

Haynako. 0-5 na, punyeta. Tapos, mamaya sa facebook, puro mga Ginebra fans na nagcecelebrate ang makikita ko. Talo e, anong in-expect mo sa mga kangkong na yun? Tch. Akala mo, team nila nanalo, psh. Ganyan sila eh, pag elimination, maingay. Pero pag finals, nganga.

ANYWAY. BACK TO THE STORY.

I still cah-nnut believe it! Nginitian ako ni June Mar babes! Akalain mo yun? Sa dinami-dami ng fans na nadidito ngayon, at katulad ko ding walang humpay na nagche-cheer, ako ang napansin niya? HAH. Kainin niyo ang alikabok ko.

So ayun, after the game, dumiretso ako sa backcourt. Pano ako nakatakas dun sa mga bantay? Simple lang. Sinuot  ko yung school ID ko, etong mga tanga tangang guard (lol joke lang), hindi napansin.

Andami kong nakakasalubong na mga basketball players. Sina Jimmy Alapag, Si PJ Simon, si Chris Lutz, tapos si Jeff Chan loves! Next game kasi Talk 'n' Text vs. Rain or Shine.

Hinanap ko yung kwarto ng San Mig. May  dala akong tatlong 18" na customized cake, dedicated para sa kanila. May naka-imprint na 'San Mig Never Stops' dun sa taas. Wala, parang as a fan gift manlang diba. It doesn't matter kung talo. Para saken, champion padin sila, and they will always be.

Nakita  ako nung isang staff dun. Huminto sa harap ko. Syeme, feeling ko mahuhuli ako nito.

"Miss, sino ka? Restricted area po ito. Staff ba kayo?" tanong niya. Nako, nakataas pa yung kilay oh. Alibi, Ninna, umisip ka ng magandang alibi.

"Uuhh.. A-ano po.. Uhh.." punyeta. Anong sasabihin ko dito?

May nakita akong poster dun sa may dingding. Isang volleyball player. Tas sa may tabi, isang poster ulit na may nakalagay  "Justin Bieber in the Philippines."

"Ano?" naiiritang tanong ulit nung kupal.

*TING!*

May naisip ako!

"Ako po yung tagalinis ng.. uhh.. bola sa volleyball na ibabato sa concert ni Bieber.. Alam niyo na, just in case na maraming hater ang pumunta.. Bola nalang ang ibabato kesa sa kung ano man, diba po? Para mas malakas ang impact at mas masakit.. Atsaka para diretso na siya sa hukay.. Maraming matutuwa nun, mababalita siya internationally at paparangalan si PNoy ni Obama ng $1 billion. Lalago na ang ekonomiya ng Pilipinas, pati na rin yung buhok ni PNoy, wala ng snatcher at magiging pinakamayamang bansa tayo. Tapos nun.. Ipapakain na sa buwaya si Binay kasi overpriced yung Makati City Hall, tapos mamamatay ka na. TADAA!"

"Wh-aat?!?" gulat na gulat na medyo naguguluhang mukha nung staff. 

"Sige, aalis na ako. Babye!" nagsimula na akong tumakbo papalayo.

"GUARDSSSSSSSSSSS! MAY NAKAPASOK DITO. SECURITYYYYYYYYY!!! BILISAN NIYO, MAY NAKAPASOKKKKKK!" sigaw nung bakla.

Nakita ko namang may humahabol na saking dalawang security guardds. Punyeta naman kasi yung baklang yun e, ang ingay ingay. Kapani-paniwala naman yung sinabi ko sakanya. Tch.

Tumakbo ako ng tumakbo. Halos kung saan saan ako nagpaikot-ikot, di pa din napapagod yung dalawa. Nako, lagot.

Buo pa kaya yung cake? Feeling ko nagkalasog-lasog na 'tong mga 'to e.

May nakita akong isang pinto. Nasa likod ko lang yung guard.. Pumasok na ako.

1..2..3..

Sumilip ako sa labas. Wala na yung dalawa. SA WAKAS! Nakakapagod kaya yun.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Nov 17, 2014 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Chasing CarsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz