Tsapter 1: Sa MoA Arena

19 0 0
  • Dedicated to June Mar Fajardo
                                    

"PUNYETAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! Anong oras na?! Ajujuju. Bilisan na natin. Pwet naman!" nagmamadaling sabi ko habang tumatakbo.

"Bakit ba taeng tae ka diyan? Kanina ka pa a." pagrereklamo nitong kasama ko. Nako, wala akong oras para diyan.

"Manonood ako ng PBA. Syete, si June Mar loves, KAILANGAN KO SIYANG MAKITA. Kundi, mamatay ako sa sobrang pagkalungkottt. PUNYETAAH."

"Lul bhe. Ang korni mo. Wag OA." sabi niya, halos nakasimangot na.

"Nanay mo."

"Tch. Oh, sabi mo bilisan. Ngayon, ikaw naman 'tong napakabagal. Antaba taba kasi e." nakasimanot na sabi niya.

"Enrique, pwede ba? Para sa lovelife ko 'to. SUPORTAHAN MO NAMAN AKO."

"Nako, gumising ka nga. Nakatulog ka nanaman. Hindi maganda 'yan."

"Tss. Wareber."

Ay, helluh. Ako pala si Ninna, 15. Fan ako ng basketball. Actually, ng sports. Wala, ansaya kasing manood. Pero, hanggang dun lang ako. Hindi naman kasi ako physically fit tsaka sporty e katulad ng iba. Mataba ako, pero mukha pa din namang tao. Napagkakamalang baboy minsan, pero wapakers. Pogi ako, sila hindi. HAH. At, boyfriend ko si June Mar Fajardo, kahit San Mig Coffee Mixers yung paborito kong team. Weird diba? Hindi? Edi hindi. Punyeta.

Pagkatapos nun, sumakay na kami ng jeep, nagbayad, nagpara, kumatok sa pinto ng bahay, pumasok, at hinanap si daddy.

"Oh. En-en." tawag sa akin ni daddy. Nickname ko yung En-en. Para daw kasi akong baliw nung baby ako. Nilagay nila ako sa washing machine at pinaikot pero tumatawa lang daw ako.

"Aalis na tayo? 7 o' clock magsisimula yung laro. 6:30 na oh. Di ka pa bihis." sabi ko. Wala, live kasi kaming manonood eh. VIP pa, kaya ayaw ko namang ma-miss o ma-late.

"HEP. Sandali lang. Hindi ako makakapunta. Masama pakiramdam ko." sabi niya. Kaya pala mukha siyang pagod na pagod.

"Eh? Pano ako? Sayang ticket!" Pano kami ni June Mar? Pano na yung asawa ko? Hindi pwedeng hindi ko siya makikita! HINDI. HINDI. HINDI!

"Kaya nga. Pero, ibigay mo nalang sa kaklase mo. Humanap ka ng kasama. Tsaka, kaya mo namang pumunta dun mag-isa diba?"

Tumango ako. Onga naman. Sa MoA Arena lang naman yung laro e, tsaka malapit lang kami. Siguro, mga dalawang sakay lang.

Pero, kanino ako magpapasama? Kay Enrique kaya?

"Sige daddy. Tatawagan ko muna yung kaklase ko. Pahinga ka muna diyan." kinuha ko yung phone ko at i-dinial yung number ni Enrique.

"Yung ticket nandun sa sala ha. Sa may lalagyan ng TV nakapatong. Tas kuha ka narin ng pera dun sa wallet ko  panggastos. Umuwi ka ng maaga. Wag ka ng gumala. Tignan mo 'tong ate mo oh, late na wala pa din."

"Sige na po, sir. Magbibihis muna ako."

Hala. Hindi sumasagot si Enrique. Sheme, anong oras na. Hay, ewan. Bahala na si Batman.

Pagkatapos ko magbihis, lumarga na ako. Sumakay ako ng jeep. Hah, magaling ata ako magcommute.

Pagkaupo ko, may nakatapat akong isang lalaki. Bakla 'to, panigurado. Naka-side yung bangs niya na sobrang haba. Halos matakpan na nga buong mukha niya e. Ano, ganun ka ba ka-fan ni Vice Gnada ateng na pati hairstyle ng kabayo ginagaya mo? Punyeta e. Di ko alam, trend na pala haircut ni Sadako ngayon.

Ay, ang malandi, inirapan ako. Nakita niya kasing nakatingin ako sakanya.

Hoy, fyi lang, ang sakit sa mata niyang eyeliner mong mukhang uling. Napaka-kapal, akala mo eyebags. Trying hard lumandi. Tsk tsk. Pasalamat ka wala akong dalang karayom dito, kundi ginawa ko ng squid ball yang mata mo.

Chasing CarsWhere stories live. Discover now