'Nong team building natin ay hindi ka nakasabay sa amin. May emergency ka daw kasi. So we left without you. It was sad pero ano bang magagawa ko?
Naging masaya naman during the whole ride. There was Ate Mary who did a lot of talking and Anton who made us laugh a lot of times. I didn't know he has such humor.
Your name was also mentioned a few times. Sayang daw at mami-miss mo ang fun. Sayang nga. I was prepared to talk to you pa naman.
We arrived at a resort in Samal. Kakilala ni Engr. Paul ang may-ari kaya we were able to book villas with enough rooms to accomodate everyone.
Free breakfast lang ang kasama sa binayaran 'non so someone needs to do the cooking for lunch and dinner. Arch. Elisa volunteered to lead the kitchen. Ate Mary and I also volunteered. May ilan ring marunong magluto na nag-volunteer kaya hindi kami masyadong nahirapan.
Ate Mary prepared a lot of games that we played after we had our lunch. It was fun. Sad nga lang because we weren't complete. You weren't there.
Nang magsimula nang dumilim ay nagsimula na rin kaming mag-prepare ng dinner. We were five in the kitchen, kasama na doon sina Joe at Miko na nag-volunteer din.
It was Arch. Elisa who decided what to cook that night: chapsuey, inihaw na karne, and sisig. I was assigned to do the inihaw na karne together with Miko. Medyo marami-raming karne ang iihawin at maliit lang ang ihawan kaya mukhang matatagalan kami. Buti na lang at medyo maaga kaming nagsimula 'non.
May maliit na kitchen sa loob ng villa kaya doon na nagluto sina Arch. Elisa. Samantalang sa labas naman kami para hindi mangamoy inihaw at usok sa loob.
Si Miko na ang gumawa ng ihawan at ako naman ang nag-slice at marinate ng karne. While on it ay nakita kong muntik na napaso si Miko kaya napaatras siya at muntik pang madapa. I was laughing so hard that time na halos maluha na ako sa kakatawa when you suddenly appeared.
Nabigla ako. Muntik ko pa ngang mahulog ang kutsilyo sa sobrang bigla.
"Uy, bro! Buti naman at nakasunod ka!" Agad na sabi ni Miko sa 'yo.
Ngumiti ka sa kanya and said, "Oo. Pinilit ko talagang makasunod."
I realized mukha akong tuod 'non na nakatingin lang sa inyo. And when you finally looked my way ay agad akong bumalik sa ginagawa ko.
"Tutulong sana ako. Pero ayaw ni Arch. Elisa nang may kahati sa niluluto niyang chapsuey. Hindi na rin daw kailangan nina Ate Mary ng tulong sa sisig kaya pinapunta nila ako dito," I remember you said. Naramdaman ko pang naglakad ka palapit sa akin. Nagpanggap na lang akong walang naramdaman.
"Hindi ka ba nahihirapan diyan?" You asked. Nasa likuran na kita and I could smell your perfume. I tried my best to look composed even if I was panicking inside.
"Hindi naman," I replied. Sinabi ko 'yon nang hindi man lang lumilingon sa 'yo at nakatingin lang sa ginagawa ko. Gusto nga sana kitang paalisin pero baka sabihan mo na naman akong suplada.
I was so focused on what I was doing nang sinilip mo ang mukha ko. Nagulat ako dahil sa lapit mo kaya napaatras ako. I heard you chuckled.
"Masyado mo namang pinapanindigan ang pagiging suplada," you said, which made my mouth hang open. Sasagot nga sana ako sa 'yo but you spoke again. "Sabihin mo na lang kasing nahihirapan ka," you added.
Masyado mo 'kong nilinlang sa mga sinabi mo na hindi ko na napansing nakuha mo na sa kamay ko ang kutsilyo. Saka ka pumalit sa pwesto ko. Maiinis nga sana ako at sisigawan ka but I managed to stop myself. Tumabi na lang ako sa 'yo at inasikaso ang mga ima-marinate pa.
BINABASA MO ANG
Drawn (Completed)
Short StoryIt's like you and I were drawn to picture a supposed beautiful love story.