Pagkatapos ng gala natin ay hinatid mo pa ako sa bahay. Wala ka pang kotse 'non. Nag-jeep tayo papunta sa amin at konting lakad pa bago makarating sa mismong bahay namin.
When we reached our gate, no one spoke. We just stood there, both looking at the gate. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganoon tayo. Back then, I knew something was up.
"Alliyah," you called. Nilingon kita. Nakalingon ka rin sa akin. Ramdam kong may gusto kang sabihin. Pero bago mo pa man mabuka ang bibig mo ay biglang bumukas ang gate. Si Mama 'yon.
"Ma," agad na sambit ko saka lumapit sa kanya at nagmano.
"Good evening, Tita," bati mo saka nagmano rin. Tuwang-tuwa ang Mama ko sa 'yo. Siya nga ata ang number one shipper natin. Sa tuwing nakikita niya tayong magkasama ay laging may kakaiba sa mga ngiti niya. Lagi niyang sinasabing sana tayo na lang. Kasi maswerte daw ako kung sa 'yo ako mapupunta. Tinatawanan lang natin 'yon. But when I think of it, hindi ko maiwasang maisip na oo nga 'no? Bakit hindi na lang tayo?
"Saan na naman kayo nag-date?" Tanong ni Mama.
"Ma, hindi naman kasi kami nag-date," agad na sabi ko. Though I wished I don't have to say that.
"Umamin na lang kasi kayo. Bakit niyo tinatago?" Panunukso ni Mama. Isa rin ata 'to si Mama sa nag-trigger nitong feelings ko eh. Panay rin kasi ang push niya sa atin. Sa kaka-push niya, may nahulog nga- ako.
"Sorry, Tita. Kaso di ako type nitong anak niyo eh," natatawang sabi mo. I wanted to correct you that time and say you're exactly who I want. But I don't have the courage to do so.
"Aba'y ayusin niyo 'yan, mga anak," sabi ni Mama. "Papasok na ako. Alliyah, sunod ka lang. At Joshua, mag-ingat ka sa pag-uwi. Salamat sa paghatid sa dalaga ko," she added. You were all smiles while saying good night to my Mom.
That time ang raming pumapasok sa isip ko. Kung umamin na lang kaya ako? May mababago kaya sa atin? Should I give it a shot?
"Alis na ako, Iya," biglang paalam mo. Hindi mo pa nga nasasabi ang gusto mong sabihin ay nagpaalam ka na. I wanted to ask you non-stop until you give up and say everything to me. Kaso wala nga ata talaga ako 'nong tinatawag nilang lakas ng loob.
"Goodbye," you said. Nagtaka pa ako kasi ilang beses mong sinabi ang goodbye pero hindi ka naman gumagalaw sa kinatatayuan mo.
Weirded out, I said, "Ilang goodbye pa ba ang sasabihin mo bago ka tuluyang umalis?" Na tinawanan mo lang.
"Oo na. Ito na talaga," you said. Hindi ko alam kung tama ang nakita ko 'non. But you smiled sadly. "Goodbye."
And then you walked away.
I let you go home without telling you about how I feel. I let you go home without clearing up what's between us. But in my mind I thought, may bukas pa naman para masabi ko ang lahat sa 'yo. Mag-iipon lang ako ng lakas ng loob.
That night I went to sleep trying to collect all the courage that was left in me and made a huge decision.
I've given it a lot of thoughts and decided to confess to you the next morning. Ang alam ko ay nasa office ka lang kasi wala ka namang ongoing project. Kaya confident akong makikita kita sa office kinabukasan.
But you weren't there.
Your cubicle's all cleaned up.
Your name was no longer on the list of the firm's Architects.
Nataranta ako. Because I don't have any clue on what was happening.
Agad akong tumakbo kay Ate Mary to ask for you. She just faced me with a sad face, which confirmed the sad news.
BINABASA MO ANG
Drawn (Completed)
Short StoryIt's like you and I were drawn to picture a supposed beautiful love story.