iii.

381 16 0
                                    

That night ay hindi ako nakatulog. Naka-ilang posisyon na ako sa kama pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok.

Tulog na tulog na nga si Ate Mary na siyang kasama ko sa kwarto. And whenever I can't sleep ay nagbabasa na lang ako ng libro.

I turned the lights on and took the book I have with me. Ilang pages rin ang nabasa ko 'non before I decided to just go downstairs para uminom ng gatas at doon ipatuloy ang pagbabasa. Hindi na kasi ako 'non maka-concentrate dahil sa hilik ni Ate Mary.

I was glad no one was there when I went down. I had the empty living room for me to enjoy. And as planned, I got myself a cup of milk and sat on the sofa.

I was on my pajamas already, also wearing my eyeglasses. Naka-indian sit ako sa sofa, with the opened book on my lap and the cup of milk on my hands.

Ganoon ang pwesto ko nang madatnan mo ako doon. I didn't notice you coming. Masyado akong focused sa pagbabasa. I just realized you were there when you sat beside me, with also a cup of milk.

"Mahilig ka pa rin palang magbasa," I remember you said. Nagulat ako 'non but I tried not to show you.

"Yeah," I answered softly.

Tumigil ako sa pagbabasa 'non and just closed the book. Sinabi mo pa ngang dapat ay hindi ako tumigil sa pagbabasa 'nong dumating ka. But I insisted. I wanted to talk to you.

"Bakit ang ilang mo sa akin?" I asked. Naka-indian sit pa rin ako, pero that time nakaharap na sa 'yo.

Ngumiti ka na parang nahihiya. "Hindi ko kasi inaasahang andito ka rin. Di ko alam kung paano mag-aadjust. Di kasi tayo close. Kaya nakakailang," you replied. "Nakaka-intimidate ka pa rin kasi."

Tinitigan kita nang nakakunot-noo. Iniisip ko kung bakit ngayon, lumapit ka na? Anong nakain mo? Inihaw na karne na ako ang nag-marinate?

"Lagi ka kasing nakakunot-noo," you said. Inabot mo pa ang noo ko at pilit na inalis ang pagkakunot nito, which I find weird.

Natawa pa nga ako nang konti because for seconds ay mukha kang bata. Adorable na bata.

That night we had a talk. A talk na naging tulay para tuluyan tayong maging close.

I even remember us talking about our future plans.

"Ako? Gusto kong magtrabaho abroad. Siguro kapag may nag-offer ng work abroad, I will definitely accept it," you said. "Gusto ko naman dito sa Pilipinas. Okay naman ang pay. But I also want to try to work abroad. I want to know how it feels like."

Napatango na lang ako. Because I also had the same plan. Itong trabaho ko ngayon ay hindi naman permanent. I labeled it as my 'temporary job' before I find my dream job.

"Ikaw? Anong plano mo? Stay ka ba sa firm?" You queried. I shook my head. "Oh?"

"Gaya mo, gusto ko rin abroad. I want to explore."

We also talked about our Elementary and High School days na tinawag mong 'Fetus days'.

"Naaalala mo 'nong High School?" You asked. Iba na posisyon natin 'non sa sofa. Pareho na tayong nakaupo habang nakasandal sa sofa at nakatingin sa ceiling. Para tayong mga tanga.

"Alin don?" Tanong ko.

"Nutrition month. Third year tayo 'non. Culmination 'yon kaya nagluluto ang lahat. Ang sabi sabay daw tayo magla-lunch sa classroom," you replied. "Ikaw na-assign magluto ng pinakbet 'non kasi sabi mo marunong ka. Kaya hinayaan ka ng Adviser natin magluto."

Habang nagkukwento ka 'non ay pumasok sa isip ko ang mga sumunod na nangyari. Sabay tayong tumawa.

"Oh my God! Walang kumuha 'non kasi nasobrahan daw sa asin," natatawang sabi ko. Muli kang tumawa nang malakas. Nasapak pa nga kita sa braso 'non kasi masyado nang malakas, baka magising ang ibang mahimbing nang natutulog.

Drawn (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon