4: Her Bucket List

3 1 3
                                    

4:Her Bucket List 2

Stacey's POV

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kakaisip sa sinabi ni Mr. President. Posible kaya yun? O di kaya pinagtritripan niya lang ako? Aha! Akala mo ah! Anong akala mo sa akin Mr. Khalib Zamora uto-uto? No way! Oo desperada na akong magkajowa pero pipili naman ako noh!?

"Hoy bakit balisa ka diyan?" tanong ni Mama sa akin.

"Ma, posible ba na may biglang umamin sayo na gusto ka niya kahit malabo?" tanong ko.

"Hmm, you mean. May umamin sayo pero hindi inaasahan?"

"Parang ganun na nga. Kasi imposible talaga na magkagusto sa akin yun eh"

"Imposible talaga"

"Ma!" singhap ko. Ang sama talaga nito.

"Oh kalma haha. Inumin mo na itong gamot mo"inabot niya sa akin ang sandamakmak na gamot.

Hays, para saan pa ba itong gamot na ito. Useless.

Akmang iinumin ko yung mga gamot pero ng tumalikod si mama agad kong itinapon ang gamot sa basurahan at umaktong parang walang nangyari.

"Ma, una na po ako. Kita na lang tayo mamaya"

Nagpaalam na ako at umalis na ss bahay. Naglalakad ako ngayun papunta sa school.

Sa totoo lang, ayus lang saken hehehhshshehe. Edi magkakajowa na ako? Gwapo pa tapos President pa ng Campus naminnn. Naku! Jackpot.

Totoo kaya yung sinabi niya kahapon? Liligawan niya ba talaga ako? Pwes, kailangan kong maghanda hahah.

Taas noo akong pumasok sa Campus namin habang sinisway-sway pa yung buhok ko.

"Liligawan ako ni Mr. Zamora. Liligawan ako ni Mr. Zamora ay mali" bahagya akong tumigil at napaisip.

Magiging boyfriend ko naman na siya eh kaya. "Liligawan ako ni Khalib. Liligawan ako ni Khalib" nakangiti ako habang naglalakad na parang bata.

"Ms. Fuentes"

Bahagya akong napatigil at lumingon sa babaeng nasa harapan ko.

Wow. Ms. Fuentes ahehe wait correction girl its Mrs. Zamora.

"Pinapapunta po kayo ni Mr. President sa office niya" ani nito bago umalis.

Wow, baka andoon yung sopresa niya. Ihhh enebenemen Kheleb.

Dahan-dahan akong kumatok sa pinto at pumasok. Nabigla ako ng wala ni isang tao doon.

May nakita akong isang papel na kulay pula ang nakasulat sa lamesa ko.

"Finish this paper Ms. Fuentes and give it to me at the gym"

-Mr. President.

Nilingon ko ang mga papeles na tambak-tambak sa lamesa ko "Wow supresa nga. Ngaleng"

Pabagsak akong umupo sa upuan ko at paulit-ulit na inuntog ang ulo sa lamesa. Akala ko pa naman yun na yun. Akala ko lang pala.

Paasa ka Khalib!

Dabog kong kinuha ang isang bandle ng papel at inayos iyon alphabetically.

50 piraso ang bawat bandle sa ika-50 na papel parang laging may sulat. Binalewala ko muna ito. Bale 9 bandle iyon. Nakapito na ako pero ganun pa rin may sulat pa rin sa likod ng ika-50 na papel. Nakakapagtaka lang.

Nang ika-siyam na, doon na talaga ako nagtaka, kaya isa isa kong kinuha ang ika-50 na papel sa bandle at pinagsama iyon.

1-Stacey
2-Fuentes
3-Realmente
4-te
5-admiro
6-puedes
7-venir
8-al
9-gimnasio?

Her Bucket ListWhere stories live. Discover now