MARAHAN niyang iminulat ang mga mata, hapong-hapo ang pakiramdam niya sa tuwing nagigising siya mula sa pagkakatulog. Ganoon ang nangyayari sa kaniya ngayon, makalipas ang sampung taon matapos mawala nina Toushiro.
Iinot-inot siyang napaupo sa kamang kinahihigaan, madilim pa rin sa labas. Habang patuloy na bumabagsak ang malakas na ulan. Napatitig siya sa sariling repleksyon niya sa kuwadradong salamin na nakaharap sa kaniya na nasa gilidan ng kamang kinahihigahan niya.
Kitang-kita niya ang nakatayong pigura ni Toushiro na nasa tabi ng kama niya. Kababakasan ng lungkot ang mukha nitong nanlilimahid sa dugo. Hinayaan niya ito, sa sampung taon na ang lumipas ngunit hindi siya iniwan ng kakambal. Lagi itong nakamasid sa bawat galaw niya, lagi siyang kinakausap. Na kahit malaki ang nagawa niyang kasalanan sa mga ito ay hindi siya tuluyang kinasuklaman. Dahil ang totoo may totoong dahilan kung bakit nagawa niya iyon sa kanila. Sa paglipas ng mga taon, unti-unting bumabalik ang dating siya.
"Napaginipan mo na naman ba siya bro.?"Tanong ni Toushiro sa kapatid.
"Oo atleast doon magagawa ko ang imposible,"bulong niya na may lakip ng kasiyahan sa tinig. Dahan-dahang umupo sa tabi niya si Tosh.
"Magagawa mo rin naman sa kaniya iyan sa personal, kung gugustuhin mo lang Dexter,"sagot ni Tosh sa kaniya. Nasa tinig nito ang simpatiya para sa kakambal.
Napailing-iling ito kasabay ng paghihilamos ni Dexter sa kaniyang mukha. Nahahati ang desisyon niyang palawigin ang nararamdaman kay Carrie. Totoong nagkita na sila noon, ngunit ang unang pagtatagpo nila ay hindi na puweding maulit pa. Dahil iyon ang tama, dahil ang nakatakda ay hindi maaaring ibahin. Maaring maapektuhan ng labis ang itinakda. Kung hindi siya mag-iingat... magaganap ang hindi dapat mangyari. Kapag ipinagpatuloy pa niyang palalawigin ang pakikipagkilala niya rito.
Sa nakalipas na taon, kailanman hindi nawaglit sa puso niya si Carrie. Lalo lang lumago ang nararamdaman niya sa pagdaan ng mga taon. Ngunit sa pagkikita nilang iyon, alam niyang madaming mababago.
Magiging kumplikado ang lahat, maaring bumaligtad ang nakatakda. Ngunit mapipigilan niya iyon, siya ang gagawa ng paraan. Kahit ang sariling buhay niya ang kapalit, maprotektahan lamang niya si Carrie sa sarili.
"Hayaan mo ako nang bahalang makipag-usap sa kaniya,"bulong nito hanggang sa unti-unti naglaho sa tabi niya ang kakambal.
Napakuyom ang kamao ni Dexter, nagtagis din ang kaniyang ngipin kasabay ng marahas niyang paghugot ng hininga dahil sa pagpipigil ng galit. Lalo niyang kinamuhihan ang dahilan kung bakit kinailangan niyang mabuhay sa paraang ganito.
Mabilis niyang hinayon ang lamesa na kung saan nakapatong roon ang bagong bili niyang notebook. Kung saan siya nagsusulat ng sequel nang katatapos lang niyang nobela. Sa ngayon, isusulat niya paunti-unti ang bawat pangyayari na itinatampok ng kaniyang mga panaginip.
Kakailangan niyang isulat ang lahat sa pagkakasunod-sunod, dahil malaki ang magiging papel nito sa hinaharap. Hanggang sa makarating siya sa bahaging unti-unti siyang lalamunin ng lahat. Sana nga hindi mangyari ang kinatatakutan niyang maganap sa babaing minamahal.
Mabilis niyang pinaglakbay ang kaisipan, kasabay ng paggalawan ng kamay niya upang magsulat.
Hindi na siya muling natulog dahil alas-kuwatro na ng madaling-araw, pagkatapos niyang maisulat ang lahat ng nilalaman na kaniyang napaginipan. Mabilis na siyang naghanda sa pagpasok, madami siyang aasikasuhin dahil sa parating na aktibidad ng eskuwelahang pinagtuturuan.
Nagkakape na siya ng makaramdam siya ng malamig na hangin mula sa kaniyang likuran. Hinawakan niya ng mahigpit ang tasang tangan niya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pati pagpintig ng puso niya'y bumilis din. Isang nakakakilabot na tawa ang narinig niya hanggang sa palakas ng palakas ang naririnig niya. Bumagsak ang tasang hawak niya sa sahig, kasabay niyon ang pagkabasag at pagkapiraso-piraso ng tasa.
BINABASA MO ANG
✔️Sin Mideo A La Muerte(COMPLETE)
RomanceSin Miedo A La Muerte Mystery/Thriller/Paranormal Mula Sa Panulat Ni Babz07aziole SYPNOSIS Carrieline Monteclaro She's define beauty and success to all women in her generation. Lahat, gusto niya'y nasa ayos. Mula umpisa hanggang katapusan. Ayaw ni...