Kabanata 13

27 2 0
                                    

LUMABAS muna saglit si Jared upang kumuha ng makakain, binilisan niya ang paglalakad dahil walang bantay si Carrieline. Ilang araw na itong nakaconffine sa hospital. Kaya labis-labis na ang pag-aalala ng mga magulang ng dalaga rito. Maski siya'y nag-alala na rin, ilang araw na siyang pabalik-balik sa paaralan. Kung saan niya nakakitaan ang lalaking tinatawag nitong Dexter.

Isang beses, na naabutan niya ang pinsan nitong si Lydhemay sa eskuwelahan ay agad niyang ikuwento rito ang tungkol sa lalaki.

Takang-taka ito habang inilalahad nga niya ang pagkikilanlan ng binata na maski ang  matagal ng pananaginip ni Carrieline dito ay naikuwento niya rin niya.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Jared? Ang mga taong sinasabi mong napapaginipan ni Carrie ay matagal ng patay. My god! Isang dekada na nga ang nakararaan, buhat  ng mangyari ang pagkakasunog ng malaking mansiyon ng mga Lacus."mahabang salaysay ng dalaga kay Jared.

".... And you know Jared, madami kasing naganap dati. Paggradruate na kami ng maganap ang trahedya sa pamilya nina Nakame. Kung 'di mo naitatanong ex boy friend ko si Nakame,"kuwento pa nito, tila nagkaroon ng lambong ang mga salita nito lalo sa huling pangungusap.

Na tila kahapon lang naganap ang trahedyang naganap sa magkakapatid na Lacus. Mataman lang nakikinig si Jared sa kuwento ng kaharap, nasa school cafeteria sila that time. Inaya na niya itong magmeryenda para makapag-usisa pa siya lalo. Kahit labag sa kalooban niya, tutulungan niya si Carrieline tuklasin ang lahat ng misteryong nagaganap dito. Napasulyap siya kay Lydhemay ng magsimula itong magkuwento. Pinatunayan ng diary ng Mama nina Dexter na narecover matapos ang naganap na sunog sa mansyon ng quadruplet na Lacus. Ngunit, dahil inakala ng lahat na napasama ito sa mga katawan na sunog ay tuluyan isinarado ang kaso.

~~~~
Ewan ko ba pero habang tumatagal ay tila nag-iiba ang ugali ng asawa kong si Sherman. Lagi na lang siyang galit at hindi mapakali. Hinayaan ko lang naman iyon dahil baka may pinagdadaanan lang siya pero isang araw. . . Magdadalawang taon na kaming kasal noon. . . kagagaling ko lamang sa aking OB-GYNE at mayroon akong magandang balita sa aking asawa. Ibabalita ko sanang magdadalawang buwan na akong buntis. Tiyak na ikatutuwa niya iyon nang labis kapag nalaman niya ang naturang balita. Papasok pa lang ako ng mansyon namin nang marinig ko ang mga ingay at nakakakilabot na sigaw. Agad akong nagtatakbo sa loob at kitang-kita ko ang aking Papa na may hawak na rifle habang ang dalawa naman naming bantay sa mansiyon ay tinatalian sa magkabilang paa at kamay ang aking asawa. Akma sana akong lalapit ngunit mahigpit akong hinawakan ng Mama sa braso.

"A-anong nangyayari, Papa? Mama, bakit tinatalian ninyo ang asawa ko? Pakawalan ninyo siya, Mang Selo! Mang Pepe! pagmamakaawa ko ngunit parang bingi ang mga ito. Binalewala lang nila ako. Nagpupumiglas na ako at iyak nang iyak nang biglang isiniwalat ni Papa ang natuklasan niya sa aking asawa.

"Isa kang hangal, anak, kung patuloy mong pakikisamahan ang isang katulad ni Sherman! Anak, isa siyang baliw. Nabalitaan ko sa kanilang lugar ang sakit niya sa pag-iisip at ang nakakakilabot na katotohanan tungkol sa kaniya. Anak, nagpakasal ka sa isang demonyo! Pumapatay siya nang walang awa. Binalaan na kita noon, anak, ngunit hindi ka nakinigsa akin! Nagpabulag ka!

Hindi ko alam kung ano ba ang tamang maging reaksyon sa mga nalaman ko. Wala akong nasambit na mga salita. Napailing-iling na lang ako sa aking mga nalaman. Hindi ko iyon lubusang matanggap.

Umagos ang masaganang luha sa aking mga pisngi. Napalingon ako kay Sherman na ngayon ay tumatawa. Isa nga itong tunay na baliw.

Magmula noon ay hindi ko na nakita si Sherman. Ipinadala na raw siya sa isang mental institution. Ngunit isang araw ay napag-alaman ko na lang na napatay ng isa sa mga guwardiya roon si Sherman dahil sa panlalaban sa mga bantay niya. . .

✔️Sin Mideo  A La Muerte(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon