Kabanata 11

31 3 2
                                    

TULALA at hindi makaapuhap ng salita ang dalaga, nasaksihan niya kung paano lamunin ng itim na anino si Toushiro. Bagamat patay na ito'y alam niyang ininda pa rin nito ang naganap. Nangibabaw sa kaniya ang mga huling pangungusap na isinigaw nito, bago ito tuluyang lamunin ng itim na anino.

Napapiksi siya nang marinig niya ang mahinang tinig ni Dexter na nagmumula sa kamang katabi. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtinang nakatabing sa pagitan nila, nakita niya ang tila hirap na hirap nitong sitwasyon. Muli, naalala niya ang mga senaryong ipinakita sa kaniya ng kapatid nitong si Toushiro.

"Carrie, anong nangyari?"Naguguluhan na tanong ni Dexter sa dalaga. Kahit paano hindi na nagulat o ipinagtaka ng dalaga ang sinabi nito. Dahil unti-unti na niyang nauunawaan ang lahat ng mga kababalaghang nangyayari sa binata at maging siya man. Hindi niya alam kung paano niya umpisahan sabihin sa binata ang nalaman. Kung paano niya ipaliliwanag na wala na ang kapatid nito, dahil tuluyan na itong napasakamay ng itim na anino.

"Dexter..."mahina niyang bulong. Rumehistro ang pagkagula sa mukha ng binata sa kaniya nang bigkasin ni Carrieline ang tunay niyang pangalan. Hindi niya alam ang iisipin. Akala niya mababaon na sa limot ang nakaraang pilit niyang kinakalimutan. Ngunit nagkamali siya, dahil habang tumatagal ay unti-unti siyang ibinabalik sa nakaraan na akala niya'y maibabaon na niya sa limot.

Napalunok siya ng laway ng ilang beses, ngayon lang nangyari sa kaniya ito. Tila'y nangngapa siya sa kawalan ng tamang sasabihin sa dalaga sa mga oras na iyon. Naglumikot ang mga mata niya, nagagalit siya at the same time nakaramdam siya ng pagka-alangan sa mga sandaling iyon sa harapan ni Carrieline.

Hindi niya alam kung matatanggap siya nito bilang kaibigan or worse baka hindi pa siya ituring na tao dahil sa mga kamalian na nagawa niya dati.

Napaangat ang mukha niya nang sinapo ng dalaga ang kaniyang mukha, agad ang paggapang ng kuryenti na nanuot sa kaniyang kalamnan. Sa tuwing nagdidikit ang balat nila ng dalaga'y napapanatag siya, kasabay niyon ang emosyon na kay Carrieline lamang niya naramdaman.

"It's okay Dexter, naiintindihan ko na kahit paano ang lahat. Don't worry I'll help you, nangangako ako sa iyo na tutulungan kitang tuklasin at makalaya ka sa sumpang ibinigay sa inyo. I think may ideya na ako,"marahan nitong bigkas kasabay nang pag-upo nito sa kama.

"Ano ang ibig mo sabihin Carrie?"Takang-tanong sa sinabi ng dalaga. 

"Ipinakita ni Toushiro ang naganap noong nakaraang panahon, kung saan..."tuloy-tuloy na sabi ni Carrieline. Ngunit mabilis siyang pinigilan sa pagsasalita ni Dexter. Nanigas ang panga nito at naglabasan ang mga ugat niya sa leeg, isang desisyon ang ginawa ng binata.

"Stop it Carrie and don't call me that name again! I don't want you ever to hear that fvking name from you!"Galit na sabi niya sa dalaga. Halos maglabasan ng apoy ang mga mata nito, nakita niya ang pagbadha ng sakit at kalungkutan sa mga mata ng dalaga.

Grabeng pagpipigil ang ginawa niya, pinatatag niya ang sarili. Pinatili niya ang galit sa mukha, hindi niya hahayahang may madamay pa.

Hinding-hindi niya hahayahan na pati ang babaeng mahalaga sa kaniya at nag-iisang natira na lamang sa kaniya ay mawala pa. Ayaw niyang masaktan ito, dahil sa sumpang nanatiling nanalaytay sa kanilang angkan sa mahabang panahon.

"Pero Dex... nararamdaman ko na malaking bahagi ako ng magiging kasagutan para mawala ang sumpa. Please makinig ka sa akin, huwag mo naman akong ipagtabuyan."katal na ng desperasyon ang tinig ng dalaga, unti-unting dumaloy sa pisngi ng dalaga ang mga butil ng luha. Matatag siyang babae, pero pagdating dito napakahina niya.

✔️Sin Mideo  A La Muerte(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon