Chapter 6

8 0 0
                                    





Don't let strangers in





"Ayos ka lang ba?"kanina pa nila yan tinatanong sakin. Pagdating ko kasi ng classroom kanina kinukulit na nila ako Kung ano daw ang nangyari. I don't want to tell lies to my friends pero mas ayaw ko ang mapahamak pa sila kay it's better to shut my mouth.

"A--ayos lang ako!"masigla kong tugon sa tanong nila. Oh come on? Bakit ang fake ko ngayon?

"Ayy bakit parang fake?"shit! Ang hirap talagang makawala dito Kay Vanessa. Lakas ng pang-amoy.

"Guyz? Let's not pressure,Yho. Alam kong may iniisip lang yan."thanks to Naomi. Save by the Bell!

"Bahala nga kayo diyan."KJ talaga nitong si Jem tsk!

"Nga pala, nung mawala ka ng ilang oras kanina Yho. May announcement na naman sila na bukas na daw ulit sisimulan."natuon naman ang attention ko Kay Lucille.

"What is it this time?"

"Curfew."tipid niyang sagot. Ayos Luc, kompleto ka rin eh no?

Pinanliitan ko siya ng mata. Nag-peace sign naman siya sakin.

"At exactly 8 PM, dapat daw nakalock na ang mga pinto ng bawat dorms natin. Nakakatakot pa nga eh dahil Parang nagbabanta yung tono ng pananalita nila. Ang sabi nila, pag daw hindi sumunod sa bagong rules ng school may parusang ipapataw. Bloody."what? Anong klaseng paaralan ba tong pinasukan namin? Hindi naman to ganito dati ah? O baka naman noon pa talaga ito at nilihim lang nila? Urgh!

Iwinaksi ko ang mga tanong at pangamba sa isip ko.
"Thanks for the info,Luc. Wag niyo ng isipin yun and let's just follow their freaking rules. Let's sleep?"I said na sinang-ayunan naman nila. Pumunta sa kabilang kwarto Sina Lucille,Heroeshe at Jem na kanina pang nandun samantalang naiwan kami sa kwartong tinutulugan namin. Natulog akong dala parin ang pangamba at mga tanong sa isip ko. Kailan pa Kaya to matatapos? Miss ko na sila Mama at Papa.








Madilim, sobrang dilim na tanging ilaw nalang mula sa bilog na buwan ang nagbibigay gabay sa daang tinatakbuhan ko. Takbo ako ng takbo, hindi ko alam Kong bakit ako tumatakbo? Hanggang sa makita ko ng nakasunod sila sakin.

Tagaktak ang pawis na patuloy parin. Wala na yatang kapaguran ang takbuhang to. Nakarinig ako ng mga putok ng baril pero hindi ako nagpatinag dito. Hanggang sa isang malaking ahas ang pinalibutan ako, sobrang nakakasakal. Akala ko tutuklawin na ako nito ngunit isang putok ng baril ang nagligtas sakin. Nahulog ako ngunit sinalo niya agad ako.

"I told you baby, palagi kitang kukulitin."

"Yhoona Shaion!! Gising na!!"nakakarinding sigaw ni Jem. Panaginip? Panaginip lang pala ang lahat ng Yun. Bakit parang totoo? Sino ang lalakeng nagligtas sakin?

"Hoy?!"tinulak niya ako kaya nahulog ako sa Kama. Urgh! Bwesit talaga ang isang to! Hindi paba sapat na ginising niya ako sa sigaw niya?!

"Ano ba?!"naiinis na sigaw ko sa kanya pagkatapos itayo ang sarili ko sa pagkakahulog, tumawa lamang ang mga gaga bwesit!

"Ano?! Kanina ka pa ginising diyan, tulog mantika to!"ani Jem na natatawa parin. Hayzt! Mga kaibigan ko ba talaga to?

"Anong oras naba?!"pasinghal ko paring tanong sa kanya. Konti nalang talaga tong si Jem sakin.

"Sagutin niyo, alis nako!"Sabi niya.

"Layas!"sang-ayon ko naman. Tinawanan lang ako ng Gaga. Urgh!

"Kalma ka lang,Yho."ani Naomi na nasa tabi ko na pala.

"Nga naman, yaan mo na Yun. Tuyo na naman siguro Yung utak nun"natawa naman kami sa sinabi ni Heroeshe. Yun oh! Nakaganti rin siya haha.

"Mabuti pa"tinapunan naman ako ni Lucille  ng towel sa mukha. Hay! Ang bastos niyo friend!
"Maligo ka na Bess at 30 minutes nalang ang meron tayo."ginawa ko na nalang ang gusto nila.
Sarap din pala pag may kaibigan kang cared sayo although sadista nga lang minsan.








Wala na namang teacher ang pumasok sa morning class. Bakit Kaya?

"Boring naman!"kailan pa ba di siya nabo-boring? Si Jem talaga oh!

"Hoy?! Ano na?!"here she goes again. Lumipat nalang ako ng ibang chair Yung katabi ni Vanessa, ang ingay niya Bess.

"Arte nito! Bahala na nga kayo diyan"bago pa siya makaalis may pumigil na sa kanya. Anong ginagawa niya dito?

"Ditch class?"natahimik naman ang lahat sa presence niya. Nakakatakot nga naman kasi Yung cold and dark aura niya.

"M--Mr. President?"nauutal na bigkas ni Rheal. Nakahanap na pala siya ng katapat niya haha.

"Speaking"nakangisi niyang sambit pero sakin siya nakatingin, bwesit!

"But I prefer to be called as King than that way."dahan-dahan namang bumalik si Jem sa upuan niya.

Iniwas ko ang tingnan siya at naka-focus na lamang sa ginagawa ko. Kahit Wala naman talaga.

"Ms. Shaion?"shit! Ano na naman Kaya ang kailangan nito?

"Yes?"trying not to show that I'm intense.

"Follow me."he command and walk out. Kalma ka lang self. As long as Wala kang ginawa, your safe. Hopefully!

Nakasunod lang ako sa kanyang naglalakad ngayon. Pansin Kong malayo na kami sa school pero were still inside. Damn! Kinakabahan na ako,bakit ba kasi ang lakas ng dating niya?

Masyado yatang naging pre-occupied ang isip ko kaya bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Shit! Hindi ko pa alam ang lugar na ito ha? God, wag naman sanang maligaw ako. Nasaan naba yung gagong Aihron na yun?

Nagpatuloy parin ako sa paglalakad nung makarating na ako sa forest area ng school. Di Kaya?
Posible kayang may daan dito para makalabas ako? Why not try?
I'm about to enter the forest nang may humila sakin.

"Shit!"I cursed. I hear him chuckle.

"Are you looking for me?"hindi agad ako makakilos sa sobrang lapit niya sakin. I can even smell his mint breath. Nang matauhan I push him away from me pero Hindi siya natinag.

He hold my hand"Follow me" hinila na niya ako agad. Nakakapagod na yung paghila niya ha? Nakaka-bwesit narin Yung kamay niyang hawak ang kamay ko.

Lakad lang kami ng lakad hanggang makarating kami sa pamilyar na lugar na ito. Oh! Yes! Dinala niya ako sa Secret Garden. Nakasunod lang ako sa kanya, makakawala ba ako kung hawak niya palagi ang kamay ko? Nakatapat na kami ngayon sa harap ng Glass House, and just like what Sean did. He has an access here too? Bakit sila lang?

"Papasok ka ba o hindi?"tanong niya na nagpabalik sakin. Hayzt! Do I have a choice?

Tumango na lamang ako at sumunod sa kanya. Kinakabahan narin ako, bakit ba kasi ako sumama sa kanya?

"Takot karin ba sakin kagaya nila?"pagsisimula niya sa usapan. Takot nga ba ako sa kanya? Magiging mahina rin ba ako kagaya ng iba?

"Sagot!"madiin at ma-awtoridad na niyang sabi ngayon.

I look at him, were both looking together."Bakit naman ako natatakot? Should I? Hmmm."I try to make myself not affected of his presence.

He chuckled"Good."naglakad naman siya pabalik sa pinto. Ito ba ang hilig niya? Ang mang-iwan sa ere?

Before the door open, he look at me again and said" By the way, ikaw lang ang nadala ko dito. Which is part of disobeying the rules. You should felt special then."tuluyan na siyang lumabas.



Naiwan naman akong tulala. What does he mean? Should I felt special? No! Paniguradong pinaglalaruan lang niya ako. At dun siya magaling!

APOCALYPSEWhere stories live. Discover now