Chapter 1

7 0 0
                                    

Chapter 1
@DarkPandaxx

Alexandria's PoV:

Masakit. Sobrang sakit. Habang patagal ng patagal parang dumidilim na ang mundo ko. Parang nawawalan na ako ng pag-asa.

Umihip ang hangin. I sighed. Umupo ako sa mga bench at tinanaw ang dagat. Napaka-tahimik, nakakarelax pero hindi parin nito mababawasan ang sakit at mas lalong hindi nito matatanggal ang sakit na nararamdaman ko.

Habang nakatanaw sa dagat, my tears begin to fall. Masakit pa rin. Kahit 3 months ng nangyari ang di pag sipot saakin ni Luke.

My eyes blink three times ng biglang nagblu-blur ang pagtingin ko. Gulat na lang ako ng pagblink ko pa ay napapikit ako at bumagsak. Hindi ko na rin alam ang sunod pang nangyari.

.
..
...
....

"Binibini?" Nagmulat ako ng aking mata. Napatayo ako agad ng makita ang isang lalaking parang asa lumang panahon.

"Ayos ka lang ba? Kailangan mo ba ng tulong?" Ngumiti siya sakin.

"Where am I?" Nag-aalalang tanong ko habang pinapalibot ang mata ko sa paligid ko. Mag-aalala si Mama at Papa!

"Ha?"

"Anong ha? tinatanong ko nga diba kung asaan ako?" Iritableng tanong ko. Umupo ako mula sa pagkakahiga.

"Anong asaan ka? Hindi mo ba alam itong lugar na ito?" Tanong ng lalaki. Pinagmasdan ko ang paligid at di talaga familliar.

Hindi parin siya sumagot dahil nakatitig lang siya sakin. Umiling ako at tumayo. Lumabas sa pinto at gulat ng makita ang mga lumang simbahan, bahay, at ang mga taong nakasuot ng dating damit ng mga tao.

Bigla akong napatigil. Parang pati ang paghinga ko ay naririnig ako. Hiniling ko ito-- hiniling kong ibalik ang nakaraan kung saan di ko pa kilala si Luke. Pero hindi ko hiniling na mabuhay sa panahon ng mga Español

Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon