Chapter 3

0 0 0
                                    

Chapter 3
@DarkPandaxx
~~~~~~
"Ayos ka lang ba binibini?" Paguulit ng lalaking asa harapan ko. Gisingin niyo na ko, pls! Kanina pa ko naghihintay woy!

"L-Luke?" Nagbabadyang tumulo nanaman ang aking mga luha.

"Pasensya na ngunit ako si Lucas" Ngumiti siya at nakita ko doon ang kanyang malalim na dimples.

"H-ha?" Naguguluhan na saad ko.

"Pasensya na ngunit nagmamadali akong pumunta sa isang okasyon, ihahatid na lang kita sa pwedeng manggamot sa 'yo" Ngumiti ulit siya. Inalalayan niya akong sumakay sa kanyang kalesa at sinenyasan niya ang isang lalaki na magtuloy na.

"Ikaw si Luke, you can't fool me" Tumawa ako.

"Hindi kita naiintindihan, binibini" Tinitigan ko si Luke at nakatingin siya sa labas.

"Ikaw naman si Luke" Pagpapaniwala ko sa sarili ko.

"Sinasabi mo lang yan para mabalikan mo ako, para humingi ka ng tawad sakin" Ngumiti ako ng mapait at napayuko.

"Pasensya na talaga binibini pero hindi kita maintindihan, ako si Lucas at sa tingin ko wala akong kamukha" Natigilan ako.

"A-asaan nga kasi ako?!" Nagtaas na ako ng boses ko at kita ko sa kanyang mukha na nagulat siya.

"Hindi ko alam na merong ganyang babae dito, hindi ako makapaniwala" Natatawang ani niya, pero halata doon ang pagkalito.

Tumigil ang kotse namin sa isang bahay. Halos maningkit ang mata ko ng makita na malapit na itong masira.
Inalalayan ako ni Luke--Lucas na bumaba sa kalesa. Kinusilapan ko lang siya at hindi pinansin ang kamay niyang nakahanda para tulungan ako, naiwan ang kamay, parang ako-- naiwan.

"Tawagin ko lang ang aking kaibigan" Hindi ko siya pinansin. Tinitigan ko ang langit, umaga na.

Maya maya ay lumabas ang isang babae na nakangiti. Todo ang kanyang ngiti. Nagmumukha siyang anghel. Sumunod sa kanya si Lucas.

"Maaari mo bang gamutin ang babaeng nakabungguan ko kanina?" Sinenyas ako ni Lucas.

"Pwede, ginoo" Nag bow si Cy-Cynthia ba?

"Ano ba Cynthia, huwag mo na gagawin iyon.. matalik naman kitang kaibigan" Ngumiti si Lucas at kuminang naman ang mata ni Cynthia. Napakusilap ako.

Mukhang may kaagaw pa rin ako sa panahong ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon