Chapter 2

2 0 0
                                    

Chapter 2
@DarkPandaxx

"Magpahinga ka muna hija baka napagod ka lang, ano nga bang pangalan mo?" Ngumiti ang matanda sa kin. May wrinkles na siya pero hindi mahi-hide yung kagandahan niya. Sana ol.

"Alexandria Alonzo" Hindi ko pa rin maiwasang hindi huminga ng malalim ng ilang beses.

Lumabas ako kanina ngunit hinila ako ng isang matanda na babae at pinaupo niya ako kasi may nangyayari daw na orasyon sa labas.

"Pasensya na pag nahila kita kanina" Ngumiti siya.

"Alonzo..?" Kunot noong sabi ng matanda na walang makita. ".. balang araw sila ang sisira ng ating bayan, sila ang magpapalaganap ng kasamaan" Kumunuot ang noo ko at parang kinabahan.

"Ano ba Antonio? Tinatakot mo ang bata" Ngumiti sakin ang matanda at nagpa-alam na may kukunin lang.

Nasaan ba ako?! Bakit ako andito?! Like duh, di ako sanay na andito ako. Tas suot ko mahabang dress na may mahabang manggas?! Hindi ako sanay! Gusto ko ng makabalik!

"Mag-iingat ka sa pagbabalik mo sa oras na ito, hija. Maraming mga magbabago sa buhay mo. Alagaan mo ang sarili mo dahil hindi ka makababalik sa oras na sumuko ka at hindi mo makayanan ang panahong ito" Patuloy ng matandang hindi makakita.

"Exuse me? Nakakatakot ka." Kumusilap pa ako.

"Hija, pwede mo muna itong makain" Ibinagay niya sakin ang potato. Tumaas ang kilay ko.

"Sorry but I dont eat that" Nandidiring saad ko.

"Ha?" Nagtatakang ani ng matanda. Hindi na lang ako umimik at napailing. Nagiwas ako ng mata at lumabas-- tapos naman na ata ang orasyon?

*Sigh*
*Super Sigh*
*Super Duper Extra Duper Sigh*

Mahaba ang inuupaan kong upuan ngayon na gawa sa kahoy at hindi ko namalayan na sa paglalayag ng utak ko ay nakatulog na ako.

" I love you" Ngumiti siya sakin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Napatitig ako dito at napangiti.

"I love you too" I smiled. Wala na akong mahihiling pa. I think perfect couple na nga kami.

"Hey, kumain ka na?" Tanong niya. Napatawa naman ako ng mahinhin. Dapat hinay hinay lang, huwag pahalata selp.

Gulat ako ng bigla akong nahulog sa nakatulugan ko na pala na pahabang kahoy. Tinitigan ko ang mga ulap, maguumaga na.

Agad akong sumilip sa likuran ko at wala akong nakitang tao kaya agad akong tumakbo.. tumakbo ng tumakbo. Tumingin ako sa likuran ko at sa pagharap ko may nabunggo ako.

Nadapa ako at nakaramdam ako ng sakit sa aking paa. Tinitigan ko ito, at napapikit pa ako ng may makita akong dugo mula roon.

"Binibini, ayos ka lang?" Nakita ko ang isang kamay na umalalay sakin, nag-angat ako ng tingin at laking gulat ko ng makita si..

Pwede bang gisingin niyo ako?!

"L-Luke?!"

Aking GinooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon