simple lang naman.

13 0 0
                                    

**Simple lang naman ang gusto ng mga babae**

Oras - Pinakasimple gusto ng babae ang oras at panahon mo mararamdaman na namin kung gaano kami kahalaga kahit gaano pa kayo kabusy pero nilaanan nyo kami ng oras. Masaya na kami.

Atensyon - Hindi lahat ng babae nang hihingi ng atensyon yung iba kasi 'di na nakadepende. Pero hingin man o hindi dapat marunong kayong kumusa. Hindi na kelangan hingiin pa kung mahal nyo ang mga partner nyo. Marunong kang ibigay ang dapat na di na hinihingi.

Papuri - May mga babae palaayos 'di dahil gusto nila maging maganda kundi kaaya aya sa harap ninyo yun bang ipagmamalaki ninyo. Yung simpleng pagbati "ang ganda mo" grabe sobrang saya na namin nyan kasi alam namin na di sayang effort namin para sa inyo.

Katapatan - Maging matapat lang kayo samin sa simpleng bagay yung tiwala namin buong buo namin ibibigay sa inyo.
Iparamdam nyo na kahit wala kami sa tabi nyo walang nangyayari kapag nakatalikod kami na kahit di bantayan alam kung ano dapat gawin. Kung kanino lang titingin.

Pasensya at pang unawa - Madalas mainis yung ibang lalaki sa babae dahil sa kadramahan namin taglay, di kami nagdadrama sa wala may pinanggagalingan talaga yan. Mas marami kaming insecurities kumpara sa mga lalaki mas dinadamdam namin ang mga bagay bagay kaya kapag magulo utak namin at mahirap intindihin pakiusap wag nyo kami sukuan bagkus unawain nyo kami dahil di madali maging babae hahahaha.

Pagmamahal - Mahalin nyo lang kami na walang iba at wala ng iba maganda sa paningin ninyo. Sobra kami magmahal sobra kami rumurupok pagdating sa taong mahal namin 'di kami humihingi ng sobrang pagmamahal kahit sakto lang sumasapat na sa amin.

Iilan lang yan sa mga simple gusto ng mga babae kung iisipin 'di naman mabigat napakadaling ibagay diba? 😊

--Mg

Ang mga hugot ni Gracia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon