Ang sarap maging bata ulit.

10 0 0
                                    

Noong bata ako, ang dami kong gusto.
Gusto ko ng lumaki kasi madami na ko magagawa madami na ko oras, wala nang magbabawal sa'kin.

Pero mali pala yung pananaw ko sa buhay kasi noong lumaki akO gusto ko ulit maging bata. 'di pala madali maging matanda
Akala ko kapag may pera ka na masaya ka na.
Kapag nabili mo na gusto mo kuntento ka na.
Kapag marami ka ng oras magagawa mo na gusto mo
Limitado din pala.

Hindi pala nakikita doon yung tunay na kasiyahan.
Dati ang dami kong gusto
Ngayon sumaya lang ako sapat na
Makita ko lang yung halaga ko bilang isang tao kuntento na ko.
Mahalin lang ako masaya na ko

Habang patanda tayo ng patanda mas sumisimple yung mga kelangan at hinihiling natin sa buhay.

--Mg

Ang mga hugot ni Gracia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon