Magpatuloy ka.

16 0 0
                                    


Matuto kang talikuran ang lahat kung ang respeto at pagmamahal ay tuluyan ng nawala.
Tandaan mo may mas higit na nakaabang sayo.pag tinalikuran mo ang mga bagay na nagpapabigat sayo.

Maging matapang ka. Luluha ka masasaktan sa una! Pero di magtatagal mahahanap mo yung kasiyahan na inaasam asam ng puso mo.

Maging matalino ka. Wag ng uulit pa wag mo ng ulitin magmahal ng taong mali sa panahon ngayon mahirap na matukoy kung sino ang totoo at hindi. Kaya maging matalino ka sa pagpili.

Magdasal ka. Humingi ka ng gabay sa bawat desisyon na gagawin mo sa iyong buhay dahil sya ang higit nakakaalam kung anong meron at kulang tayo kaya at hindi natin kaya.Sya ang magbibigay ng lakas sayo para magpatuloy.

Keep going kaya mo yan wag kang matakot bitawan ang mga bagay na ikaw na lang ang nakakapit.Tandaan mo hindi na tapos  ang kwento nyo nakumpleto na at wala ng susunod pa. Kaya magsimula ng bagong kwento sa bagong taong hindi hahanapin anong kulang sayo kundi kukumpletuhin ka bilang isang tao.

-- mg

Ang mga hugot ni Gracia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon