hey you

8 0 0
                                        

Hey you .

Alam ko pagod ka na pero alam ko kinakaya mo. Ganyan nga laban lang magandang simula yan para sayo. Nasaktan ka nya, nila, okay lang yan hayaan mo na si God ang kumilos para sayo.

Lahat kinakaya mo sinusubukan ang lahat kahit alam mo paglubog ng araw ayan na naman ang mga luhang buong araw mong pinigil para maging masaya sa harap ng iba.
Pero okay lang yan, lilipas din ang sakit makakangiti ka din ng totoo na wala ng lungkot sa mga mata mo.

Masasabi mo din sa sarili mo nakawala ka na sa sakit. Kinaya mo, kinakaya mo at kakayanin mo pa para lalo ka mapabuti.

Alagaan mo ang sarili mo kung gusto mo umiyak pwedeng pwede pero pagkatapos nun wag mo kalimutan ngumiti at lumaban ulit. Maiksi ang buhay para sakit at pighati ang iisipin natin. Maging masaya ka hangga't may panahon ka pa dahil di natin alam ang bukas.

Laban lang kaibigan kakayanin natin yan!

--Mg

Ang mga hugot ni Gracia Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon