Chapter 5

35 2 0
                                    

"Yaelle upo muna tayo?ang sakit na ng paa ko." Hinihingal kung reklamo at nahahapong sumalampak sa buhanginan.

Hindi ko alam kung anong trip ni Yaelle at gusto nitong maglakad ng maglakad. Hindi ko na rin kayang makapag selfie dahil ngiwi ang lumalabas sa mukha ko sa tindi ng pagod.

Inayos ko ang takas na buhok na dumikit sa pawisan kung noo. Feeling ko sunog na ang aking buhok dahil kanina pa kami naglalakad.

"Urgh, Upo ka muna nga Yaelle. Im tired mamaya pa naman gagala kami ni Ythone." Halos himatayin ako ng manalamin ako at makitang pulang pula ang aking mukha para akong hinog na mansanas!

"Sa station 1 kana lang  magpahinga Sana! Baka makita tayo nila Aiko!" Hinila nito ang braso ko ngunit agad akong humilata at nakipaglaban.

"Higa Yaelle! Pagod ako!" Sumalampak ako sa buhanginan at ginawang kumot sa balat ang mga buhangin ngunit iniwasan kung masagi ang aking mukha.

Halos magpagulong gulong kami ni Yaelle sa buganginan pero hindi ko sya binitawan at para akong loko loka na tumatawa habang kumakawala si Yaelle sa yakap ko.

"Get off Sana!" Angil ni Yaelle. Tumawa ako ng makitang ang laki ng nguso nito na halos tusukin na ako.

"Pahinga Yaelle. Dapat fresh ako mamaya may date ako!" Halakhak ko at tinusok sa tagiliran si Yaelle. Ang lakas ng tili nito na halos mahilo ako sa pagkakabingi. Tama bang itili iyon sa tenga ko mismo!

"Gaga ka Yaelle! Bakit ka tumili. Di naman kita niri-rape!" Nguso ko at inalis ang pagkakayakap. Nakahiga kami ngayon at nakatingin sa makulimlim na langit.

"Are you dating? I thought type mo si kuya Heph?" Ani Yaelle. Nilingon ko ito at nginisihan.

"May the best man win-"

"Gaga! kapag ikaw may na-fall na pinaggagawa mo either bubuntisin ka o mamamatay ka ng maaga!" Babala ni Yaelle sakin.

Ngumuso ako grabe naman mag isip si Yaelle! Aware naman ako na maganda talaga ako. Pero hindi naman datingan na may papatay na para sakin. Kakaloka na-stress tuloy ako ng wala sa oras.

"Eeeh! Hindi ko naman pinilit na ligawan ako ni Ythone. Haler? Friends kami at libre nya akong foods." Maarte kung depensa sa sarili. As if naman magi-stick ako kay Sir Heph eh di naman yata ako non bet. Sa pretty kung ito nah. Sulitin ko muna pagiging bagets ko. Baka mamaya ma-juntis nga ako di pa ako ganap na dalaga i-tita nalang ako ng wala sa oras.

"Bahala ka dyan. Masama maging cheater Sana."   Tila baliw na wika ni Yaelle. Nakasimangot tuloy akong tinignan ito. San ba ito humuhugot ng ganon at pati ako dinadamay?

"Di naman ako cheater. Kaloka ka Yaelle. Wala pa nga ako jowa jina-judge mo na ang kagandahan ko." Maktol ko. Given naman na madaming nagkakagusto sakin pero wala akong bet sakanila para maging hilong talilong ako kung sino ang sasagutin sa at pinagsabay sabay nalang sila lahat. Nakakapagod kaya yon tapos nakakataba.

"Eh bakit ini-intertain mo pa si Ythone?"

"At bakit hindi ko sya i-intertain? Kaibigan lang naman Yaelle. Grabe ka makabakod beshy bet mo ko?" Halakhak ko para mawala ang pagtulis ng nguso ni Yaelle. Medyo di ko trip kapag ganong nakanguso sya. Medyo nangangapal. Di joke lang.

"Lika na nga. Baka mabadtrip ako sayo." Aya ni Yaelle at bigla nalang pinagpag ang mga dumikit  na buhangin sa shorts nito.

"OMG!!" Hindi makapaniwalang tili ko at agad hinawi maalis ang mga naramdaman kung buhanging naglaglagan sa pwet ni Yaelle. Ang balahura naman ni Yaelle nanggaling sa pwet nya ilalagay sa maganda kung mukha!

Hindi nya pinansin ang pag-iinarte ko at nagtuloy tuloy ito sa paglakad. Nakasimangot na inayos ang tumikwas kung mga buhok mula sa pagkakatirintas at hinabol ang mataray na si Yaelle.

Gamers Love: The CoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon