Chapter 14

21 0 0
                                    

"Luh.. maglalaro ulit tayo?" Reklamo ko dahil si Sola na naman ang kasama ko sa buong linggo. Kasali kasi kami sa gaganaping tournament at gusto nitong buong weekends kaming magsanay.

Hindi naman ako nagrereklamo dahil sanay ang katawang lupa ko matulog sa unit ni Sola. Kaso pag-ihi lang yata ang pahinga dahil halos lahat ng gusto nyang i-master! Ayaw nya naman mag-custom dahil napapaasa daw syang magaling dahil feeling nya ang galing galing daw nya doon.

"Kuya Clad!!" Malakas kung sigaw dahil mukhang bumulagta na yata ito sa kusina at hindi na bumalik samin.

"Kausap ko syota ko!!" Ganting sigaw nito at napairap nalang ako dahil imbento ang lalaking iyon. Paanong magkakajowa eh may hang ups pa sya kay Yaelle na mukhang buntis dahil sa permanenteng iritado sa lahat ng bagay.

Aburidong napakamot na lang ako ng ulo at mapapa-Sana all nalang dahil kanya kanyang silang abala sa mga jowa nila. As in sabay sabay talaga sila at walang pansinan. Para silang robot kanina habang nakikinig sa lintanya ni Sola.

Pero nong nagsabi ang boss amo naming break ay sabay sabay bumutong hininga ang mga ito na parang muling nagkabuhay at agad tumalikod pa samin sabay sabay pang nangsabi ng babe. Di wow. Kayo na malalambing sa jowa.

"Cmon. Sana. Laro."

"Hala! mamaya na nahihilo ako!" Tatawa tawa kung tanggi at madramang hinilot ang noo. Sinadya ko talagang ipakita sakanya ang benda doon para feel din nya ang nararamdaman ko.

Mag-jowa na rin kaya ako para may break din ako kagaya ng mga kasama ko? Kung hindi lang talaga magagandang lahi ang triplets ay aakalain kung nagpapanggap lamang silang may girlfriend upang takasan ang nilamon ng sistemang si Keith Soleia.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Essex ng dumaan ako sa harapan nya. Siya kasi ang nasa pinakadulo at parang security dahil nakatambay ito sa may pintuan.

"Kay Heph." Ngisi ko at akmang bubuksan  ang pintuan nang tinulak nito muli pasara  gamit ang binti. Natulala ako sa pagkamangha sa mga magkakapatid na Fajardo. May toyo rin ata itong si Essex. Bawal ba talagang lumabas?

"Luh..?" Usal ko at hindi alam ang gagawin. Malalim at seryosong nakatitig sakin si Essex. Alanganin akong ngumiti at muling binuksan ang pintuan. "Lalabas ako.." Usal ko nang tuluyan niyang iniharang ang binti sa may pintuan.

"Dito ka lang." Malamig nito utos bago tumayo at parang siraulong sumandal sa mismong pintuan. Nalaglag ang panga ko at hindi makapaniwalang tumitig kay Essex kung seryoso ba ito.

"Seryoso ka..?" Nagugulumihanang bulong ko. Hinarang ba naman nito ang sarili sa pintuan! Magkano ba manuhol ang kapatid mo! Tatapatan ko!

Wala tuloy ang nagawa kundi bumalik sa kwarto at pagodang humiga sa kama. Bitbit ang cellphone ay hinagilap ko ang nagbabasakaling makulit sa messenger si Heph.

I randomly say Hi and took a picture. Iyong nakasimangot para ramdam nyang nangungulila at pinagbabawalan akong lumabas ng mga pinsan nya. Hindi ako nagi-expect na magchachat sya kaya gulat na gulat ako ng tumunog ang chat head at bumulagta doon ang profile picture nya!

Ramdam na ramdam ko iyong sigla na dumaloy sa katawan ko sa simpleng chat na iyon. Hindi kasi normal na tao si Heph na gumagamit ng messenger.

Parang napakahalaga mong tao kapag pinagtuunan ka nya ng pansin at kahit sa simpleng What nya at tila nanalo kana sa lotto. May pagmamadaling nagtype ako ng sasabihin at mahal ang oras ng aking hari. Baka hindi ito makapaghintay at maging abala na naman sa trabaho.

Sue Sana T.
Gawa mo? 🤤

Namemental block ako sa pagiging intresanteng binibini. Napakaramdam ng tanong ko at mukhang walang kakwenta kwenta! Ilang gawa mo na ba ang dahilan kaya nasi-seen zone ang umaasang puso? Gusto kung sabunutan ang sarili kung bakit ang random ng chat ko.

Gamers Love: The CoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon