"Hay...."
"Ang haba ng buntong hininga natin ah? May pinagdaraanan?" Maangas na tanong ng pinsan ko na abala sa paglalaro sa kanyang cellphone.
Nakasimangot ko tong tinignan. Napapalatak ako. Nagi-ML na naman.
"Ewan ko sayo kuya. Bakit andito ka kasi?" Inis kung sita rito. Pati ba naman kasi dito sa Cavite nakiki-wifi. Kaloka ito. Siguro ang papakasalan nito balang araw may-ari ng Tesla o may-ari ng PLDT. Kakaloka alang alang sa Wifi dadayo.
"Tss..Alam mo naman ang daming anak ng erpat ko. Gusto pa akong makalaro- ang pota cancer naman." Palatak nito na ikinabusangot ko lalo.
Siguro kung may isang tao man na masayang nag-iisang anak lang ako iyon eh si kuya Clad. Bukod sa halos wala syang problema sa minamahal nyang wifi lagi syang may pagkain kaya nagkakalaman na tong patay gutom na to.
"Samahan mo ba akong mag-enroll mamaya sa St. Fausto?" Nguso ko. Enrolment na kasi ngayon linggo kaya stress ako kung saan ba ako mag-aaral ng College. Gusto ko sana sa Ateneo kaso hiwalay kami ng daan ni Papa. Kawawa naman ako kapag nag-commute ang pretty nilang anak. Baka mamaya mag-viral pa ako sa FB.
Ang St. Fausto University lang ang malapit doon pwede akong drop by nalang ni Papa. Oh kung may pagkakataon naman na may vacant ako ay pwede akong manggulo doon total nalawayan na ako ni Heph. Gago yon. Matapos magkalat ng chikinini sa leeg ko bigla nalang aalis ng walang lingon likod. Gagi!
Isa pa yon kaya di ako makalabas ng bahay namin. Halos magkulong ako sa bahay dahil sa dami nga non. Mga anim yata. Dalawa sa kanan apat sa kaliwa di naman sya halatang natuwa. Buti hindi napapansin ni Mama ang pagkukulong ko ng isang araw dahil abala ito sa binabalak nila ni Papa na negosyo ng Cafe.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo? ang init init naka-turtle neck ka." Puna ni kuya Clad. Inirapan ko nga. Nakaputing turtle nga ako pero sleeveless iyon kaya ipinakita ko rito ang maputi at makinis kung kili-kili.
"Uso toh!" Angil ko nalang. Chismoso din tong si kuya Clad. Di nalang ituon ang pansin sa nilalaro. Pasimple kung pinaypayan ang sarili dahil naiinitan nga ang leeg ko. Pero mas mabuti na iyon kesa asarin ako ni kuya Clad at paluin sa pwet ni Mama. Ang tagal kasing mawala nong chikinini ni Heph! Magi-isang linggo na!
Kesa mabulok at maisipan ni Mama at pansinin ako ay niyaya ko nalang ang pinsan kung pumunta sa SFU upang tignan iyon. Hirap pa ako ng una dahil ayaw syang tantanan nong kalaro nya at ang walanghiya ako pinagdrive habang ito panay laro ng ML. Wala tuloy akong makausap.
Tahimik ang buong byahe at halos magulat akong kasama ko pala ang magaling kung pinsan.
Hindi man lang nag-abala ang pinsan kung maglibot sa campus at talagang agad nitong hinanap ang bulletin Board kung saan nakapaskil ang mga kursong kukunin. Nang makumpirmang may HRM doon ay agad akong nilatagan ng mga form ni kuya para sa entrace exam.
Shookt ako.
Magtitingin palang kami ng School pero mukhang walang panahon ang pinsan ko sa mga ganoong bagay at matapos maghintay sa canteen para malaman kung pasok ba ako ay halos sya na ang magbayad ng tuition fee ko para matapos lang kami.
Nakanganga lang ako the whole time lalo ng ito talaga ang mag-abot ng pera sa cashier. Jusko. May sugardaddy yata ako ng di ko alam.
"Choke me Dadi!" Biro ko rito ng may kalakasan at tumawa ng nakakaloka. Nababasa ko kasi doon sa FB iyon ewan ko anong meron doon at nakakatuwa. Baka ginamit iyon sa isang drama ang naging meme.
"Gago ka talaga Sana." Palatak ni kuya Clad at busangot na binulsa ang pitaka.
Tumikhim samin ang kahera na mataman kaming tinitignan ng pinsan ko. Matamis ko itong nginitian at inayos ang nagulong buhok dahil sa hangin.
BINABASA MO ANG
Gamers Love: The Core
RomanceHis single at his age. A single pus*y won't bother him anyway. Just as he thought... A Tale of a cradle snatcher.