Chapter 15

35 1 0
                                    

"Anoo? Ikaw na naman pambungad ko Sola?" Nguso ko dahil kagigising ko palang dahil sa maingay na tunog galing sa aking phone.

Tamang halakhak lang ito at di yata alam na simula makilala ko sya ay daig pa nito jowa kung mangailangan ng presensya ko. Kung wala ako sa paningin ko puro aral ang ginagawa ko at-- inaamin kung medyo gahol ako sa mga subjects ko lalo at end semester na naman.

Inaayos ang nagulong buhok ay pinag-iisipan ko kung magpapakulay ba ako ng buhok. Hindi ko nalang iniinda ang mga rant ni Sola dahil may isang streamer daw na kumakalaban sa time slot nya. As if naman magi-effort to.

Kakamot kamot na lumabas ako ng kwarto at bumungad sa aking paningin ang naglalambingan kung magulang. Pumapailaglag sa apar na slok ng bahay ang paborito nilang kantang "Beautiful in white".

Huminto ako sa paglalakas at halos mabatubalani sa nasaksihan. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang magulang ko habang tila sila ang ang tao sa mundo. Si Mama matamis na nakangiti at nagniningning ang mata habang nakikinig sa sinasabi ni Papa.

Hayss.. kakainggit...

Usal ko at dahan dahang naglakad palabas ng bahay. Mataas na ang sikat ng araw kaya hindi ko mapigilang mapapikit habang maingat na tinatahak ang daan sa hanapan namin. Dahil nasa dulo ng subdivision ang bahay namin kaya halos walang ingay sa paligid bukod doon ay isang malaking abandonadong bahay lamang ang katabi naming bahay.

Dahil sa kawalan ng ginagawa ay cellphone na ang ang binubutingting ko. Medyo miss ko sila Mama at Papa pero dahil sweet sweet sila ay mananahimik muna ako dito sa garden.

Walang bago sa newsfeeds ko. Halos gaming page nalamang ang andoon at minsan ay mga kakilala ko sa probinsya na abala sa kanikanilang buhay. Iyong iba may jowa na. May anak na kaya naman iba na ang kasama sa profile pictures.

Tapos mee..?

Bukod sa naging college student ako..? Nakakasalamuha ko ang mga taga-alta..kumikita na ako ng libo libo sa isang araw..tapos mas gumanda pa yata ako ng sobra sobra--

--Ay wala pa rin akong jowa..

Hindi naman sa jowang jowa na ako.. kaso minsan gusto ko rin na may naglalambing sakin. May legit ang matetext na Im craving for pasta then nuod kaming netflix tapos..

Bwesit kasing Heph iyon. Ang hirap ligawan. Simula last week wala na naman itong paramdam iyon pala nasa Europe daw ito para sa business conference.

Wala talaga kaming label. Hayst..

Sabagay ano ba naman ako? isang hamak na college student na wala naman maipagmamalaki bukod sa ganda ko. Napapalatak ako dahil parang tinutubuan na ako ng insecurity sa katawan.

Grabe talaga.

Di ko naman sya makulit ngayon dahil umabot na nang ten unread messages ang naipadala rito. Ni isa wala man lang binasa.

"Nagpaligaw nalang kaya ko sa iba?" Muntangang usal ko at halos matawa dahil mukha akong timang.

Mauubusan ng lalaki Sana?

Sa kawalan ng magagawa ay naglakad lakad nalang ako palibot ng Subdivision namin. Tahimik ang lugar at halos malalayo ang agwat ng bawat tahanan kaya naman pawis talaga ako ng makaabot sa highway kung saan pulang pula ang buong mukha ko at halos agawan ko ng upuan ang lalaking may hawak na milktea.

"Naku! Sorry!" Usal ko at akmang tatayo ngunit agad itong tumanggi at sinabing okey lang. Hindi na ako nag-inarte pa at pagod talaga ako. Pano kaya ako uuwi nito? Nakakatamad maglakad.

"Mukhang pinarusahan ko pa ang sarili ko." Bulong ko sa sarili. Ilang minutong nagpahinga bago pumila sa counter upang kumain. Mamaya ko na proproblemahing maglakad dahil matutusta talaga ang mamaya.

Gamers Love: The CoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon