"Hi Dad,Good Morning"bati ko kay Daddy papasok ng Dining Area
"Good Morning,Darling. Kumain ka na baka ma late ka sa school"
"Okey Dad, ah si Kuya Arthur po pala, asan?"
"Maagang umalis, susunduin raw si Primrose"
"Ay wow!!! Pero kung ako nagpapasundo kung tapos na kong mag shopping, di nya ko pinupuntahan,sasabihin nyang busy sya!"
Dad chuckled. "Hayaan mo na,nak. Girlfriend nya eh"
I roll my eyes while eating.
"Bilisan mo na dyan kumain kasi ako maghahatid sa'yo ngayon sa school".
"Okey po".-----
"Malapit na tayo sa school,Cresia"
"Yes Dad" sagot ko habang nag pre-press powder.
"Ahh Dad, pwede po bang late ako umuwi mamaya?"
"Bakit, may activity ba kayo ngayon sa school".
"Wala naman po pero pupunta po kasi akong mall,may bibilhin lang".
"Okey,but bring some of my bodyguards".
"Ha?! Eh ang dami ko nang bodyguards. Dad,para naman akong lumpo nyan eh".
"Anak,safety mo lang ang iniisip ko, huwag nang matigas ang ulo".
"Hmmp,okay".
"We're here,darling".
"Bye Dad,I love you". I kissed his cheeks at bumaba na sa kotse.
"Bye Darling, I love you too. Wag masyadong maging maldita ha".
"Hahaha, I'll try."-----
"Good morning,Cresia!" bati ng isa kong ka batch mate
"Good morning!". sagot ko sabay lagpas sa kanya.
Pagdating ko sa classroom namin,nagkakagulo sa may pintuan.
"Anong meron?!"tanong ko sa kaibigan ko na si Cassie.
"May transferee kasi,ayun oh kausap ni Prince Ledesma".sagot nya
Tiningnan ko ang mukha ng babae,she looks like an angel. Pero baka sa mukha lang yan.
"Ahh okey, pasok na tayo"'.
Nilapitan ko ang transferee at binagsak ang aking bag sa kanyang armchair.
"Kaano ano mo si Prince Ledesma,boyfriend mo?!"tanong ko sa transferee
"Ahh,Hindi".sagot nya
"Sinungaling,parehong pareho kayo ni Primrose!!!!"
"Hindi ko alam sinasabi mo"
"Ah,sumasagot ka pa. Classmates!!! Makinig kayo! Wag na wag kayong lalapit sa babaeng to kasi isa syang sinungaling. Pag malaman ko lang na may lumalapit sa kanya,makakatikim sa akin".-----
"Cresia,kawawa naman si Soleil. Walang kasabay sa lamesa nya"si Cassie
"Tumigil ka nga,Cassie. Baka gusto mong tumabi sa kanya. Para F.O. na tayo"
"Grabe ka naman kasi sa kanya,Cres. Ilang araw mo ng binu bully. Maawa ka naman sa kanya"
"Maawa? Bakit naawa ba si Primrose sa Kuya ko,ilang beses nya ng sinasaktan, kaya NO, di ako maaawa sa babaeng yan. Kumain ka na nga lang".
"Ahh,okey".
Habang busy si Cassie kumain, may napansin akong lalaki na tumitingin kay Soleil. Sino ba to?Hindi naman mainit,pero naka sunglasses at naka cap pero ang gwapo naman nito.
"Cassie".
"Hmmmm?"
"Kilala mo ba yon?" Sabay turo sa lalake.
"Hindi eh,ikaw ba kilala mo? O baka bodyguard ni Soleil."
"Hindi rin eh,ang gwapong bodyguard naman yan".
"Hahahaha,oo nga noh. Bakit, type mo?"
"Medyo,para kasi syang si Prince Charming".
"Tanungin mo si Soleil, kung ano ang name ng bodyguard nya".
"Sige, wait lang".
Lumapit ako sa lamesa ni Solei.
"Soleil".
"Ano yun?"
"Anong pangalan ng bodyguard mo?"
"Ha? Wala akong bodyguard".
"Sinungaling talaga,eh sino yung lalaking nandito kanina na tingin ng tingin sa'yo, Boyfriend mo?!"
"Wala akong boyfriend at saka di ko yun kilala".
"Siguro wanted ka no? May baril yung dala, nakita ko"
"H-hindi".
"Wala kang kwentang kausap!"sigaw ko sa kanya at umalis na sa lamesa.
