Chapter 4

73 1 0
                                    

Einyjel's Pov

Agad akong binundol ng kaba kaya ng akmang sisigaw na ako ng bigla nalang takpan ng may hawak sa akin ang bibig ko gamit ang kamay nito at dinala ako sa tatlong lalaking may hawak sa alaga ko.

"Hey boy's!  Look what i found." Malademonyong sabi ng lalaking may hawak sa akin pagkalapit namin sa mga kasamahan niya na nakatitig na sa akin ngayon. Napadako naman ang tingin ko kay Sir hadz na nanlalaki ang mga matang nakatitig sa akin habang hawak ng isang lalaki.

"A Beautiful girl." Nakangising sabi ng lalaking may butas ang dila saka dinilaan ang gilid ng labi habang nakatitig sa akin.

"Tiba-tiba din tayo dito mga pare." Malakas na sabi ng isa sa kanila bago malagkit na pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko.
Agad naman akong nandiri sa ginawa niya. 

"You smells so good honey." Napaarko naman ang katawan ko ng maramdamang inaamoy-amoy ng lalaking may hawak sa akin ang leeg ko.  Halos gusto ko ng sumigaw ng tulong baka sakaling may mapadaan sa eskinitang kinaroronan namin at marinig kami kaya lang ay mahigpit ang pagkakatakip ng lalaki sa bibig ko gamit ang kamay niya.

"You shit!  Don't touch her! Damn you let go of her!" Nagwawalang sigaw ng alaga ko ng makita nitong lumakbay ang kaliwang kamay ng lalaking may hawak sa akin sa bandang tiyan ko.

Namumuo na ang mga luha sa mata ko dahil sa ginagawa sa akin ng lalaki ng bigla kong maalala ang self defence na itinuro sa akin ng kaibigan ko incase of emergency. Kaya naman walang pagdadalawang isip na ginawa ko ang bagay na iyon dahilan para mabitawan agad ako ng lalaki at mapapilipit sa sakit na idinulot ng ginawa ko sakaniya.

Kinuha ko agad ang pagkakataong iyon upang malapitan si Sir hadz na tulala ding nakatingin sa lalaking nakahiga at namimilipit sa sakit. Sinamantala ko na nakatulala din ang mga kasama niya at dali-daling hinatak ang alaga ko papaalis sa lugar na iyon.

"W-what the hell! Don't let them go. Catch them!" Dinig kong sigaw ng lalaki dahilan para maalarma ako lalo na ng makita kong nagsigalaw na ang mga kasamahan niya at hinahabol kami.

Hatak-hatak ang alaga ko na nagpasikot-sikot kami at lusot sa bawat eskinitang madadaanan namin para lang mailigaw sila.

"Shit! We lost them. It's all your fault!" Dinig kong sabi ng isa sa kanila mula sa pinagtataguan namin ng alaga ko.

"You dumbass. It's all because of you." Ganti naman ng isa. Napalingon naman ako kay Sir hadz na tahimik lang na nakatingin sa akin. Tahimik nitong pinagmamasdan ang buong itsura ko.

Nakaramdam naman ako ng ilang ng matitigan ang kulay asul nitong mga mata kaya minabuti ko nalang na iiwas ang tingin ko sa kaniya.

Ewan ko ba. Sa tuwing tititigan ako ng ganiyan ng alaga ko ay may nararamdaman akong kakaiba na hindi ko maipaliwanag. Basta naiilang ako kapag binibigyan niya ako ng mga ganung klaseng titig.

"You idiots! Mamaya na kayo mag-away, hanapin niyo muna yung dalawang 'yun." Napasilip naman ako sa butas ng pinagtataguan namin ng biglang sumigaw yung lalaking may hawak sakin kanina.

"Ikaw, Pumunta ka sa kaliwa at duon maghanap at ikaw sa kanan. Ako naman ang maghahanap dito." Ilang sandali lang ay nawala na sila sa paningin ko. Pati ang mga yabag ng paa nila ay hindi ko na naririnig.

Napabuga naman ako ng malalim dahil doon. Ilang sandali lang ay narinig kong tumikhim si sir hadz kaya pasimple ko lang itong tinignan. Nang akmang titingin na ito sa akin ay agad akong umiwas ng tingin.

"I-i'm sorry." Napakurap mata naman ako dahil sa nadinig.

"P-p-pardon?" Utal na tanong ko baka sakaling namali lang ako ng dinig ng sinabi niya.

"Tss. I said im sorry." Namumula ang taingang umiwas ito ng tingin sa akin ng makitang nakatitig ako sa kaniya.

"Sorry for?" Takang tanong ko dito dahilan para irapan ako nito na ikina awang ng bibig ko.

"I didn't know that your a slow girl." Inis na sabi nito bago tumayo at lumabas sa pinagtataguan namin. Nataranta naman ako sa ginawa nito kaya napalabas din ako sa pinagtataguan.

"Wait Sir Hadz! Baka nandiyan pa sila." Mahinang sabi ko dito habang sinusundan ito ngunit imbis na sagutin ako ay mas binilisan pa nito ang lakad niya.

"Shut up and be quite." Mahinang singhal nito sa akin na ikinatahimik ko.

Saglit ako nitong tinitigan bago muling ipinagpatuloy ang paglalakad. Napabuga naman ako ng hangin bago napagpasyahang sundan siya.

Pagkarating namin sa mansion ay namataan naming nasa labas lahat ng mga security guards kasama ang mga katulong. Napatingin naman ako sa alaga ko na napahilamos bigla ng kamay sa mukha.

Ilang saglit lang ay napalingon bigla sa gawi namin si Manang at ganun nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita kami.

"Diyos ko! Sir Hadz. Saan ka po ba nagpunta? Alalang-alala po kami ng makita naming wala ka sa kwarto mo." Napalingon naman lahat ng mga security guards pati ang mga ibang katulong dahil sa naging sigaw ni Manang habang nagmamadaling lumapit sa amin.

"Saan ka po ba nagpunta at gabi na? Baka napahamak ka pa diyan." Alalang tanong ni manang habang sinusuri ang buong katawan ni Sir Hadz. Nang makitang wala naman itong galos ay napadako ang tingin sa akin ni Manang.

"Einyjel iha.  Magkasama ba kayo ni Sir Hadz?  Saan kayo pumunta? Gabi na. Paano kung napahamak kayo diyan sa labas?" Sunod-sunod na tanong ni Manang sa akin.

"Pasensiya na po manang. Niyaya ko lang po saglit si Sir Hadz na magpahangin sa labas. Pasensiya na po kung hindi po ako nakapag-paalam sa inyo." Nakonsensiya naman ako sa pagsisinungaling ko kay manang pero kung sasabihin kong hindi ko kasama si Sir Hadz ay magtataka sila kung papaanong nakalabas ito ng mansion ng wala manlang nakakapansin kahit isa sa mga katulong o guards na nagbabantay.

Kunot noo namang napalingon sa akin ang alaga ko ng marinig ang sinabi ko kay manang. Kinindatan ko nalang ito dahilan para umiwas bigla ito ng tingin sa akin. Pero nagtataka din ako kung paano nakalabas ng mansion itong inaalagaan ko lalo na't gabi na.

"Sige na. Basta kung lalabas kayo magsabi kayo ok? Nag-alala talaga kaming lahat ng makitang wala si Sir Hadz sa silid niya. Lalo na si Ma'am Alisha. "

"Pasensiya na po talaga manang. Kakausapin ko nalang po si Ma'am Alisha para humingi ng p--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Sir Hadz.

"No need. I will talk to my Mom."
















_______________________________

Keith_Jhuztine

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 01, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Badboy's BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon