Chapter 3

61 3 0
                                    

Einjyel's Pov

Pagkarating ko sa library ay kumatok muna ako ng tatlong beses bago nagsalita.

"Ma'am Alisha? Si Einjyel po ito." saad ko matapos kumatok sa pinto. ilang sandali lang ay pinagbuksan na ako ng pinto ni maam alisha.

"Einjyel iha. pasok ka." Nakangiting bungad na sabi sa akin ni Ma'am Alisha bago niluwagan ang pagkakabukas ng pinto. Matapos makapasok sa loob ay pinagmasdan ko na maisarado niua ang pinto bago lumapit sa may lamesa niya at umupo duon.

"Halika dito iha. maupo ka." Gaya ng utos ni maam ay umupo ako sa upuang kaharap niya. Pagkaupo ko naman ay tinitigan ako ng mariin ni maam dahilan para mailang ako.

Ilang saglit siyang nakatitig sa akin bago bumuga ng hangin at nagsalita.

"I know what really happened between you and Hadz iha. Don't you dare deny it iha." Biglang sabi ni Ma'am ng makita niyang aangal sana ako sa sinabi niya.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa sayo ng anak ko. Alam nating dalawa na sinadya niya ang nangyari kanina. Kinausap ko na siya tungkol sa nangyaring ito." tulala naman akong nakatingin kay maam dahil sa sinabi niya.

Alam niya? Pero paano? Si manang nga na kasama namin ay hindi alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari tapos malalaman ko na alam ni maam ang totoo?

"H-ho? Pero baka nabigla lang po si Sir Hadz kaya niya nagawa ang bagay na iyon. "

"Nabigla man o hindi, hindi niya parin dapat ginawa ang bagay na iyon. Paano nalang kung napalakas at napasama ang pagkakatulak niya sayo? Hindi lang iyan ang aabutin mo kung nagkataon." Mariing sabi ni maam dahilan para maitikom ko ang bibig ko.

"Pasensya na. Nabigla lang talaga ako ng malaman ko ang nangyari sayo. Wala bang ibang masakit sayo?" Tanong ni Ma'am na mababakas sa tono ang pag-aalala. Umiling naman ako saka sumagot.

"Wala naman po maam. Ayos naman na po ang pakiramdam ko." Binigyan ko naman si maam ng isang ngiti para hindi na siya masyadong mag-alala pa sa akin.

"Sige. Sabihin mo agad sa akin kung may nararamdaman kang kakaiba sa katawan mo ok?" Ngumiti naman ako bago tumango sa tanong ni maam.

Matapos namin magusap ni Ma'am Alisha ay napagpasiyahan kong lumabas na ng library saka lumapit kay manang.

"Manang? Lalabas lang ho muna ako sandali. Magpapahangin lang po. Babalik nalang po ako agad pagkatapos ko." Nakangiting paalam ko kay Manang.

Matapos kong magpaalam ay napagpasiyahan kong pumunta at maglibot-libot sa isang parke malapit dito sa lugar namin.

Napayakap naman ako sa sarili ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa katawan ko. Tanging Manipis na Tela lang ng damit ang suot ko at isang short na hanggang tuhod ko. Nang makakita ako ng bench ay agad akong umupo doon saka pinagmasdan ang kalangitan.

Bilog na bilog ang buwan ngayon. ang dami ding mga nakakalat na mga bituin sa langit. Napangiti naman ako ng maalala ko ang mga kapatid ko habang pinagmamasdan ang mga bituin.

"Ate, Kapag nalulungkot ka o namimiss mo kami.  Tumingin ka lang ate sa langit at hanapin ang mga bituin, sa ganong paraan mararamdaman mo na kasama mo kami kahit malayo ka sa amin."

Naalala kong sinabi sa akin ng kapatid ko sa araw ng pag-alis ko para magtrabaho. Tandang-tanda ko pa kung paano sila umiyak ng malaman na mahihiwalay ako sa kanila dahil magtatrabaho ako sa malayong lugar. Pahirapan pa na mapapayag ko sila sa pag-alis ko that time.

Napabuntong hininga ako dahil sa naisip kong iyon. Ilang minuto akong tumambay muna sa may parke para makapag-relax kahit papaano. Matapos makapag-relax ay napagpasiyahan kong umuwi na sa mansiyon dahil lumalalim na ang gabi.

Saktong pagkatayo ko mula sa pagkakaupo ng makarinig ako ng mga nagkakagulong boses.

"Nandito lang yung batang iyon eh. hanapin niyo yun at dalhin sa akin. "

Napakunot noo naman ako sa narinig ko. Masyado ng gabi para magaway ang mga taong iyon. Nang akmang pupuntahan ko na kung saan nanggaling ang boses na iyon ng makarinig na naman ako ng mga nagkakagulong boses.

"Boss andito siya nagtatago."

"Dalhin niyo sa akin ang batang iyan. malilintikan talaga yan sakin."

"What the!  Don't touch me Mr. Ugly!"

Napakurap-kurap naman ako ng mata ng marinig ko ang boses ni Hadz. 

Nabubuang na ata ako. Boses ni Hadz ang naririnig ko na siyang kaaway ng mga lalaking iyon. Pero impossible naman kasing si Hadz iyon lalo na't gabi na. Hindi na siya pwede lumabas ng mansiyon nila.

Napailing nalang ako dahil sa narinig.
Minabuti ko nalang na lisanin ang kinaroroonan ko bago pa may makakita sa akin. Tatawag nalang siguro ako ng pulis pagkaalis ko para naman walang maganap na bugbugan dito.  Akmang hahakbang na ako paalis ng biglang may sumigaw na siyang ikinalaki ng mga mata ko.

"Shit! Don't touch me!  I swear,  you'll pay for this. Let me go!"

Agad nanlaki ang mata ko sa narinig. God! Si Hadz nga talaga iyon.  Pero paano?  Dali-dali naman akong pumunta sa may madilim na sulok ng eskinita para masigurado lalo kung si Hadz nga ba talaga ang kaaway o kaboses lang ng alaga ko.

Holy Cow! Si Hadz nga! piping sigaw ko sa utak ko ng makitang si Hadz nga talaga ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
Anong ginagawa ng alaga ko dito? At bakit siya hawak-hawak ng apat na lalaki? 

Sinuri ko naman ang itsura ng alaga ko at ng makita ang itsura nito ay halos gusto ko ng pagsusuntukin ang mga kalalakihang mayhawak sa kaniya. May pasa na ito sa pisngi at dumudugo ang labi.

Napatago agad ako sa pinagtataguan ko ng makitang papalingon sa kinaroroonan ko ang isa sa apat na lalaki. Abot-abot ang kaba ko habang pinapakiramdaman ang paligid.

Naghanap na din ako ng bagay na pwede maging panangga o panlaban sakali man na makita ako ng lalaki at saktan ako. Pero lumipas ang isang minuto na walang nagpapakita sa akin. Kaya ng akmang sisilip na ako sa pinagtataguan ko ng may biglang humablot sa akin at hatakin ako papalabas sa pinagtataguan ko.










______________________________

So Hi Guy's!  Sorry talaga kung ngayon lang ako nakapag-update. Sobrang busy ko kasi talaga this past few weeks eh. Pasensiya na.

Don't worry babawi ako ngayon. Gonna update the next chapter by saturday or sunday.

Hope you like the update for today.  😊

The Badboy's BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon